^

PSN Showbiz

Sarah Lahbati napansin nang gumiling-giling sa ASAP

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi na pinag-isipan pa ng televiewers kung mapapantayan man lamang ng ASAP, kung ginusto nila ang bisitang pasabog ng bagong programa ng GMA na Sunday PinaSaya. Tama na ‘yung andun si Jessica Sanchez, isa sa mga FilAm na labis na minamahal ng mga Pinoy and vice versa. Not even the fact na kasama pala nito sa paggi-guest ang Diamond Star na si Maricel Soriano na nakipagsabayan sa pagpapatawa sa mga regular ng show na sina Jose Manalo, Wally Bayola, AiAi delas Alas, at Marian Rivera.

Ang alam lang ng bagong programa at baka hindi na rin pinaghandaan nang husto ng GMA ay ang tribute na ibi­nigay sa Megastar na si Sharon Cuneta. Maganda at pinaghandaan ito ng ASAP hindi para pantapat sa kalabang programa kundi bilang respeto na rin sa artista na maraming taon na ring nagbibigay ng saya sa manonood na Pilipino.

Ang nagsilbing pasabog ng ASAP at siguradong nagbigay sorpresa, lalo na sa katapat na programa ay ang pagsasayaw ng isa nilang kilalang kasamahang Kapuso. Hindi man masasabing napantayan ni Sarah Lahbati ang performances ng mga pambato ng PinaSaya, malaking gulat naman ang ibinigay ng paggi-guest ng ina ng anak ni Richard Gutierrez na buong akala ng lahat ay isang Kapuso. Ang guesting ni Sarah sa ASAP will prove otherwise. And mind you, mabilis na nag-trending ang appearance niya.

Cherie napapayag sa serye dahil kay Ryan

Kung kailan nalalapit na ang pagtatapos ng The Half Sisters ay walang atubili pa ring tinanggap ni Cherie Gil ang alok ng programa na mag-guest siya sa teleserye. Mabilis namang nagpasya ang beterana at magaling na aktres nang malaman ang role na ibibigay sa kanya. Pero mas nakapagpadali ng kanyang desisyon na isa sa makasama niya rito ang pamangkin niyang si Ryan Eigenmann na ngayon lamang niya makakasama sa isang proyekto.

Kaye nakukulangan pa sa ipon ni Paul Jake

Ano pa kaya ang hinihintay ni Kaye Abad at hanggang ngayon ay hindi pa makapagpasya kung magpapakasal na siya sa kanyang nobyong si Paul Jake Castillo? Medyo matagal na rin ang relasyon nila at bagaman at napag-uusapan na nila nang pahapyaw ang pagpapakasal, sinabi ng magaling na aktres na hindi pa sapat ang mga naipon nila para sa isang maalwang buhay may-asawa. Sinabi nitong in three years time ay inaasam niya na wala nang magiging balakid sa pag-aasawa nila.

Sa ngayon, wala na siyang maha­hanap pa sa kanyang nobyo. Taglay nito lahat ng katangiang hanap niya sa isang lalaki para makasama sa buong buhay niya.

Jake ipinagsisiksikan ang sarili kay Bea

Bakit pumayag si Jake Vargas na makipag-break kay Bea Binene kung ganyang hindi pala siya handa na mawala ito sa kanyang piling? Ngayon ay parang kawawa siyang bumibisi-bisita sa taping ng ex, pero sa halip na pansinin ay sinabihan pa siyang friends na lang uli sila.

Sayang ang dala niyang bulaklak para kay Bea na nadidiligan lamang ng luha niya.

Alam ba ni Kuya Germs ang ginagawa mo, Jake? Kung ayaw na sa ‘yo ng girl, then find another one. Kesa naman pagmukhain kang kawawa ng ex mo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA

BEA BINENE

CHERIE GIL

DIAMOND STAR

HALF SISTERS

JAKE VARGAS

JESSICA SANCHEZ

JOSE MANALO

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with