Direk Roi mas gustong magdirek
First time ni Roi Vinzon na magdirek ng pelikula na ipinagmamalaki niya dahil isa itong mainstream at ginastusan talaga.
Pinamagatang Maria Labo na ibinatay sa Filipino Urban Legend na naging usap-usapan noon sa Visayas kaya naging interesado si Roi nang nabalita ito noong 1980.
May sira ang ulo ng bidang babae dahil pinatay nito ang dalawang anak at kinain pa.
“Mahirap umarte, ang directing ay mas fulfilling. Pag naging artista ka sasabak ka sa puyatan at nagsusyuting o nagteteyping ka hanggang alas sais o alas siyete ng umaga. May kontrol naman ang director kung kailan niya gustong tapusin ang syuting o kung ayaw nila ng magdamagang syuting.’’
Kumusta naman si Roi bilang director? Ayon sa mga artista niya ay magaling siya at disciplinarian. Istrikto siya sa set.
“Minsan pa nga naninigaw ako at sinisindak ko ang aking artista laluna sa madadramang eksena gaya ng mangyari kay Migz Cuaderno.”
Nang minsang hindi makaiyak sa madramang eksena ay sinindak niya ito at sinigawan niya “Umiyak ka dahil kailangan ‘yan sa eksena. Maya-maya umiyak na si Migz,” sey ni Roi.
Sinabi rin ni Roi na ginastusan ang pelikula dahil nagpunta pa ang cast sa Dubai. Bago ang artistang si Kate Brios na tubong Bacolod at ayon sa mga kasamahang aktor magaling siyang umarte at nakukuha ang tamang emosyon sa mga eksena.
Kasama rin sa movie si Sam Pinto bilang kaibigan ni Kate.
Jestoni hindi nawawalan ng raket
Gaganap naman na pulis si Jestoni Alarcon na asawa ni Kate pero mapapatay ang lahat ng pulis maliban sa kanya. Maswerte si Jes at tatlong anak dahil naging seryoso sila sa pag-aaral. Ang panganay na si Angela ay kumukuha ng Comm Arts, medicine naman ang kurso ni Jessica at ang bunsong si Anthony na puwedeng-puwedeng mag-artista ay kumukuha ng Law sa Dela Salle College. Hindi naman nawawalan ng proyekto si Jes sa tulong ng manager na si Popoy Carrirativo. Siya ang gumaganap na tatay ni Jericho Rosales sa Pangako Sa ‘Yo noon na naging memorable dahil markado ang role niya.
Nanatili namang board member ng Antipolo si Jestoni.
- Latest