Nakabuo agad sa Europe Mariel Buntis na uli, kambal pa!

SCENE: Balik-Pilipinas sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez matapos ang matagal na pagbabakasyon sa Europe. Naunang bumalik ng bansa ni Mariel. Naka-confine ngayon sa ospital si Mariel dahil kambal ang ipinagbubuntis niya.

SEEN: Na-miss ni Maricel Soriano ang nakaraan dahil hindi niya napigilan ang sarili na sumayaw ng  Rico Mambo at Shake Body Dancer nang maging hurado siya kahapon sa Throwback Pa More contest ng Eat Bulaga.

SCENE: Hindi nakakatawa ang  mga hirit ni Maricel Soriano sa pa­litan nila ng dialogue ni Allan K. at kapuna-puna ang kanyang pagtaba.

SEEN: Walang sense of humor si Korina Sanchez dahil walang natawa sa kanyang biro na maniningil siya ng talent fee kapag sumayaw at kumanta sa presidential campaign ng asawa niya, si DILG Secretary Mar Roxas.

SCENE: Bukas ang grand launch ng On The Wings of Love, ang much-awaited ABS-CBN teleserye nina Nadine Lustre at James Reid.

SEEN: May mga hindi sang-ayon sa pahayag ng Born Again Christian at  dating comedian na si Anthony Roquel aka Tonette Macho na “Walang ipinanganak na bakla, walang ipina­nganak na tomboy. Kaya maraming bakla at tomboy dahil galit ang diablo sa inyong pamilya.”

SCENE: Ang intense acting ni Snooky Serna sa mga eksena niya sa My Faithful Husband ng GMA 7. Si Snooky yang gumaganap na nanay ni Dennis Trillo sa My Faithful Husband.

SEEN: Ginunita kahapon ng pamilya Aquino ang 6th death anniversary ni former President Cory Aquino. Ang pagkawala ni dating Presidente Cory ang naghalal na presidente ng Pilipinas kay Presidente Noynoy Aquino dahil likas na emosyonal ang mga Pilipino.

 

Show comments