Geoff sasamantalahin ang mahal na araw
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 12:00am

Ngayong Semana Santa ay sasamantalahin ng bidang si Geoff Eigenmann ng Kailan Ba Tama ang Mali? na mamahinga sa Hong Kong.

Makakasama nito ang kanyang mommy na si Gina Alajar at ang kanyang kapatid na si Ryan Eigenmann kasama ang asawa at anak nito. Pagkakataon na rin para makapag-bonding ang buong pa­milya ni Geoff dahil na­ging busy sila sa ka­ni-kanilang trabaho. Halos araw-araw ay nagteteyping ang aktor ng KBTAM at si Ryan naman sa The Half Sisters at ang kanilang mommy sa Yagit.

Pinairal ang pagiging loyal...

Nag-renew pa rin ng executive three years contract si Carla Abellana sa GMA 7. Inihahanda na ang kanyang bagong tele­serye at may gagawin ding show sa news and Public Affairs ng Kapuso Network.

Balitang ipapasok si Carla sa Pari Ko’y pero hindi naman siya magi­ging love interest ni Dingdong Dantes. Maraming umaasa na sana’y magbalik tambalan sila ni Tom Rodriguez pero balitang ibang aktor ang magiging lea­ding man nito sa bagong teleserye.

CARLA ABELLANA DINGDONG DANTES GEOFF EIGENMANN GINA ALAJAR HALF SISTERS HONG KONG KAILAN BA TAMA KAPUSO NETWORK NGAYONG SEMANA SANTA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with