^

PSN Showbiz

Daniel nagsalita sa sinasabing kalahating milyong singsing na bigay niya kay Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang ika-19 na kaarawan sa Misibis Bay, Bicol kasama ang pamilya at pinakamalalapit na kaibigan. “Three days and two nights kami do’n tapos kasama namin ‘yung mga kaibigan namin. Tapos nando’n din sina Mama, tapos marami kaming ginawa eh. May nag-Amazing Race, water activities, bonfire. Sobrang chill lang kami lahat, ang saya,” kuwento ni Kathryn.

Sa isang beach resort daw talaga ginustong ipagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan. “Kasi ang sabi ko, gusto ko mag-beach ngayong birthday ko, kaya lang medyo umulan no’ng nando’n kami pero okay lang naman. Masaya, para maiba lang. Kasi last year medyo formal ‘yung birthday ko because of the debut. Gusto ko ngayon bonding lang lahat kasama ko mga close friends ko,” dagdag ni Kathryn.

Kasama rin sa selebrasyon ng aktres ang sinasabing espesyal sa puso nito na si Daniel Padilla.Pagdating namin may mga activities na talaga. Masarap lang kasi kasama namin mga kaibigan namin, kasama niya si Tita Min (Bernardo, ina ni Kathryn), lahat kasama so enjoy talaga. Ang dami naming nagawa,” pagbabahagi ni Daniel.

Napabalitang isang singsing na nagkakahalaga ng kalahating milyon diumano ang iniregalo ng binata kay Kathryn. “Sana nga gano’n pero hindi totoo,” giit ng aktor.

Christian wala pa ring lovelife

Suportado raw ni Christian Bautista ang hindi pagre-renew ng dating kasintahan na si Rachelle Ann Go para sa Miss Saigon. Kamakailan ay pinanood ni Christian sa London si Rachelle Ann sa nasabing musical play. “She’s auditioning for other roles also. I think it’s the right decision also, one year is enough. To the next one para maiba naman,” nakangiting pahayag ni Christian.

Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang nagkahiwalay ang binata at si Rachelle Ann. Ngayon ay mukhang may bagong inspirasyon si Christian. “Wala pang love life eh. Heart is good, content, and ready. I’ve been dating. Hindi ko muna iri-reveal until the right moment, in time siguro. Hindi ko naman matatago ‘yun ‘pag meron na eh. Nothing exclusive yet. Pero I’ve also decided na it’s not going to be that public anymore ‘pag dumating na ‘yung point na ‘yun, na there’s some stuff I can share but there are some stuff I have to keep private. Kasi it will also depend on the partner to also hopefully understand this fact na I’ve been here for 13 years, and meron na akong baon na ganyan,” paliwanag ni Christian.

Posible raw na iwan na ng singer ang show business kung kinakailangan para sa kanyang buhay pag-ibig.  Reports from JAMES C. CANTOS

                                                          

vuukle comment

AMAZING RACE

CHRISTIAN BAUTISTA

DANIEL PADILLA

KAMAKAILAN

KASI

KATHRYN

RACHELLE ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with