^

PSN Showbiz

Kapamilya network nag-o-offer ng early retirement sa mga taga-news

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag-o-offer daw ngayon ng early retirement ang ABS-CBN sa kanilang mga reporter. Ayon sa narinig kung kuwentuhan, maganda ang retirement package na inihahatag ng Kapamilya Network sa mga reporter.

Wala pang balita kung sinu-sino ang mga reporter na hindi na natin makikitang nagre-report.

Bukod sa mga reporter, pati raw anchor may ire-retire ang ABS-CBN. Abangan daw natin dahil may changes na magaganap one of these days sa News Department ng network.

Angel perfect ang katawan para sa Darna

Grabe na ang kaseksihan ni Angel Locsin. Handang-handa na nga siya sa movie version ng Darna na balitang sisimulan ang shooting anytime.

Nagkalat sa social media ang photo shoot niya na naka-bikini para sa ini-endorse niyang clothing line. Ang perfect ng figure niya na mas lalong ikinaiinggit ng kalalakihan sa boyfriend niyang si Luis Manzano.

Bukod sa Darna, gagawin din ni Angel ang movie with her hilaw na mother in law na si Gov. Vilma Santos. Gaganap siyang caregiver ni Gov. Vi sa pelikula.

Balitang kinarir at sineryoso talaga ni Angel ang pagko-crossfit na in na in ngayon sa mga artista kaya ganun kaganda ang katawan niya.

Pinakamabilis na technology para sa peklat nasa Belo

Wow 100 times faster than the Revlite at mas perfect sa acne scars, rejuvenation, tattoo removal and hyper pigmentation ang bagong technology ng Belo Medical Clinics, ang Picosure Laser na ipakikita ni Dra. Vicki Belo ngayong umaga, 7:30 a.m. sa programang Salamat Dok (airing this Sunday, 7:30 am on ABS-CBN simulcast on ANC). Ang balita, ang Picosure ang biggest breakthrough in laser technology this decade.

“Picosure is the first and only picosecond laser in the world. What’s great about this newest laser is that it requires fewer treatments and less fluence without injury to the surrounding skin. Its ultra short pulse creates an intense photochemical impact like no other laser machine today,” ayon sa statement ni Dr. Belo.

“Picosure laser is a testament to how serious we are at investing in technology. You can find only the best at the Belo Medical Group.  This is available now at our Greenbelt Residence Clinic,” dagdag ni Doktora na kitang-kita sa hitsura na in love.

Bukod sa Picosure, Salamat Dok will also feature the latest Hair Transplant procedure as well as GMax for Vascular lesions.

Hindi na uso ngayon when doctors have to cut a piece of your scalp and manually harvest hair graft to transfer to the balding area of your head. In its 25th year, BMG offers yet another first in Asia -- the Automated Follicular Extractor Unit, a new Hair Transplant technology that leaves less scarring.

Ang GentleMax Pro (GMax) naman is a single consolidated system daw that delivers a range of treatments - all skin type hair removal, as well as pigmented and vascular lesions.

Kaya talagang pag hindi ka pa naman gumanda, ewan ko na lang. Lahat na ng klase ng machine para maging flawless at perfect ang figure at skin, nasa bansa na.                     

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AUTOMATED FOLLICULAR EXTRACTOR UNIT

BELO MEDICAL CLINICS

BELO MEDICAL GROUP

BUKOD

DARNA

HAIR TRANSPLANT

PICOSURE

SALAMAT DOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with