Fall In Love with Me bagong magpapakilig sa televiewers

MANILA, Philippines - May bagong magpapa-fall sa mga Kapuso viewers ngayong Lunes, Pebrero 23. Sa Fall in Love with Me, ipapakilala si Cedric (Aaron Yan), isang advertising prodigy na kilala dahil sa angkin niyang kagwapuhan, katalinuhan at masamang ugali.

Sa isang press conference, ipinaalam niyang magpapahinga siya ng tatlong buwan mula sa pagtatrabaho. Sa loob ng maikling panahong ito, magpapanggap siyang si AJ na mabait at matulungin, malayung-malayo sa totoo niyang ugali.

Makikilala niya sa papasuking trabaho si Thea (Tia Lee), isang babaeng nagsusumikap na hanguin sa naluluging estado ang advertising agency ng kanyang namatay na kapatid. Maghihinala si Thea sa tunay na pagkatao ni AJ dahil hindi nagkakalayo ang hitsura nila ng mayabang na advertising prodigy na si Cedric.

Paano kung pareho nilang mabihag ang puso ni Thea? Abangan ang pinakaunang episode ng Fall in Love With Me ngayong Lunes, Pebrero 23 sa Heart of Asia ng GMA-7.

 

Show comments