^

PSN Showbiz

Piolo naghihintay lang ng oras para balikan si KC?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagkausap na raw noong Linggo ang dating magkasintahan na sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Maayos na raw ngayon ang lahat sa pagitan ng dalawa.

Nag-guest ang aktres sa show ni Piolo kaya nagkaroon nang pagkakataon na makausap ng aktor ang dalaga. “I saw her in ASAP, I greeted her. Wala namang problema. We are more than civil. Okay naman, we are casual,” bungad ni Piolo.

Matatandaang naging kontro­bersyal ang paghihiwalay ng dalawa noong taong 2011. Ilan taon ding hindi nagkausap ang dating magkasintahan. Muling nagkaroon ng komunikasyon ­sina Piolo at KC nang mamatay ang lola ng dalaga na si Elaine Cuneta ilang buwan na ang nakalilipas. Posibleng manumbalik daw ang magandang samahan at pagkakaibigan ng dalawa ayon sa aktor. “Sa rami ng pinagsamahan namin, sa laki ng pinagsamahan namin, sa tagal ng pinagsamahan namin, siguro kinailangan lang namin ng oras. I think what broke the ice was when her lola passed,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Wala pa ring karelasyon ngayon ang aktor habang si Paulo Avelino naman ang napababalitang espesyal ngayon sa puso ni KC.

Magkaibang-magkaiba ang ugali

Daniel at Kathryn, madalas mag-clash

Aminado si Kathryn Bernardo na madalas silang nagkakaroon ng tampuhan ng ka-M.U. (mutual understanding) niyang si Daniel Padilla.

Sobrang kilala na raw ng dalaga ang aktor kaya nasanay na siya sa ganitong sitwasyon. “Masyado kasi kaming magkaiba ni DJ. Nagka-clash talaga kami most of the time pero inaayos naman agad namin. Hindi mo talaga maiwasan na mag-away kayo minsan, nagkakapikunan kayo minsan,” pagbabahagi ni Kathryn.

Bihira lamang daw makasama ng aktres si Daniel na wala silang trabaho pareho. “’Pag wala namang work ang dami pa rin naming prior schedule eh. As in kulang talaga ‘yung isang araw sa amin para sa lahat ng schedules pero usually nagkakasama kami kapag may work or ‘pag may na-cancel na work,” kwento ni Kathryn.

Samantala, para sa aktres ay magkaibang-magkaiba sila ni Daniel pagda­ting sa pagbibigay ng mga pahayag tungkol sa kanilang dalawa. “He’s very chill. Gano’n lang siya, parang walang pakialam. Mukha lang siyang walang pakialam pero ang dami niya talagang concerns. Si DJ kasi kapag ka-work mo siya, gusto niya parati ‘yung pag-act niya very realistic. Ayaw niya ‘yung showbiz, ayaw niya ‘yung fake na fake. Siguro ‘yun ‘yung gusto ng mga tao sa kanya,” paliwanag ni Kathryn.

Sa February 25 ay palabas na sa mga sinehan ang Crazy Beautiful You na pinagbibidahan nina Daniel at Kathryn.

Reports from JAMES C. CANTOS

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DANIEL PADILLA

ELAINE CUNETA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

PAULO AVELINO

PIOLO

PIOLO PASCUAL

SA FEBRUARY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with