Mga Pinoy nadismaya rin sa pagiging 4th runner up ni Miss Jamaica
SVA (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Rinig na rinig sa TV ang pag-boo ng mga nanonood kung saan ginanap ang 2014 Miss Universe sa Florida nang tawaging 4th runner up  si Miss Jamaica (Kaci Fennell).

Obviously, hindi tanggap ng mga nanood na mas mataas ang ranking ni Miss USA kesa kay Miss Jamaica na look alike ni Alicia Keys.

Inaasahang siya ang mananalo dahil very classic ang hitsura at kakaiba dahil sa short hair. Magaling din sa question and answer, pero agad siyang tinawag na 4th runner up.

Actually nang malaglag si MJ sa Top 5 siya na ang bet ng mga Pinoy na sumubaybay sa Miss U kaya gulat silang 4th– runner lang siya.

Anyway, $300,000 pala ang halaga ng bagong korona ng Miss Universe na nasungkit ni Miss Colombia na si Paulina Vega.

James at Nadine hindi nagdadamot sa fans

Kahit talaga saan pumunta ang magka-love­team na sina James Reid and Nadine Lustre, talagang kagulo ang fans.

Last Friday night ay kasama sila sa mga nag-perform sa Navotas Day. Wow talagang nakakaloka ang tilian. Ang maganda lang kina James and Nadine, mabait sila sa fans. Hindi sila nagdadamot at lahat ng chance na puwede silang makipag-shake hands, ginagawa nila.

Sayang lang at wala silang regular show sa ABS-CBN.

Balitang meron silang pelikula with Julia Barretto and Iñigo Pascual pero wala pang feedback kung kelan ang playdate.

Anyway, bukod kina JaDine, nasa Navotas Day din last Friday si Richard Yap na humahataw na rin sa kantahan. Si Kim Chiu naman ay sumama sa parade for Navotas Day kasama si Navotas Mayor John Rey Tiangco.

                                                                                               

 

ALICIA KEYS JAMES AND NADINE JAMES REID AND NADINE LUSTRE JULIA BARRETTO AND I KACI FENNELL LAST FRIDAY MISS JAMAICA MISS UNIVERSE NAVOTAS DAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with