^

PSN Showbiz

Onemig Bondoc may idadagdag na kaso pa raw sa dating asawa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magpapakitang-gilas sa Sunday All Stars mamayang hapon ang dating Kapamilya talents na sina Iya Villania, Empress Schuck, at Rafael Rosell kasama ang bad boy ng dance floor na si Mark Herras.

Pagkatapos ng pasabog na dance number ay babalik uli si Mark para naman sa nakakaaliw nilang number kung saan bakat-bakatan silang magsasayaw at magpapatawa nina Sef Cadayona, Betong, at Pekto.

PAK: Very hopeful si Willie Revillame na magiging maganda ang kalalabasan ng pagsisimula niya sa GMA-7.

Wala pa kaming naririnig sa ngayon, pero malalaman daw sa kaarawan ni Willie kung ano ang programang gagawin niya sa Kapuso Network sa tulong nina Joey de Leon at Mike Enriquez.

Ang dinig namin, tuwing Linggo ito mapapanood na hindi lang namin alam kung ano ang timeslot.

Hindi naman daw ito ipapalit sa Sunday All Stars.

BOOM: Pursigido ang dating young actor ng TGIS na si Onemig Bondoc na makuha ang custody ng dalawang anak nila ng dati niyang asawang si Valerie Bariou.

Natatakot na raw si Onemig sa kalagayan ng kanyang mga anak na 7 years old at 1 year old tuwing iniiwan lang daw ito ng hiniwalayang asawa sa yaya at driver.

Ayon sa dating aktor, hindi raw tama ang ginagawa ni Valerie na basta iwan na lang ang kanilang mga anak at ipagkatiwala sa yaya.

“Sobrang mahal ko ang mga anak ko, na feeling ko hindi siya capable of taking care of my kids.

“Nabalitaan ko before after the separation namin na nu’ng nasa condo ko sila, she was going out with her friends at umuuwi ng mga 3 in the morning, tapos ang nandun lang ang yaya na dalagita at ‘yung 5 months old kong anak.

“Alam na alam naman niya na ayokong iniiwan ang mga bata sa yaya lang.

“Up to now, nu’ng tumira siya sa Parañaque, ginagawa pa rin niya ‘yun,” pahayag ni Onemig.

Kaya nu’ng nakaraang Biyernes ng hapon ay nag-file ang dating aktor ng Child Custody at Temporary Protection Order para mabigyan daw niya ng proteksyon ang kanyang mga anak.

Sinubukan naming kunan ng reaksyon si Valerie pero hindi ito sumasagot at ang narinig namin nasa Balesin Island daw ito.

Bukod sa Child Custody ay dinidinig pa ang annulment case ng mag-asawa at meron pa raw balak si Onemig sampahan pa ng iba pang kaso ang dating asawa.

vuukle comment

BALESIN ISLAND

CHILD CUSTODY

EMPRESS SCHUCK

IYA VILLANIA

KAPUSO NETWORK

MARK HERRAS

MIKE ENRIQUEZ

ONEMIG

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with