Zsa Zsa kinontra ng mga anak, bahay ni Dolphy gusto na sanang ibenta
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nabenta na kaya ang bahay na tinitirhan ni Zsa Zsa Padilla na isa sa mga naiwan sa kanya ni Dolphy? O hindi na niya itinuloy ang pagbebenta.

Nag-react daw kasi ang mga anak ni Mang Dolphy nang sabihin ni Zsa Zsa na balak na niyang ibenta ang bahay sa Marina Bay dahil titira na umano si Zsa Zsa sa bahay ng kanyang boyfriend na architect na si Conrad Onglao. Kaso talaga raw bayolente ang reaction ng anak ni Zsa Zsa and Mang Dolphy na si Zia Quizon at nag-dialogue ng “over my dead body” ayon sa isang nagkuwento. Maging ang ibang anak daw ni Mang Dolphy ay nagulat sa sinabi ni Zsa Zsa.

Sobrang ganda naman daw kasi ng bahay ni Conrad Onglao bilang isa siyang sikat na architect kaya hindi raw nakakatakang gusto na ring tumira ni Zsa Zsa doon ayon sa isang malapit kay Mang Dolphy.

Cristine excited at bored na sa pagbubuntis!

Ang laki na pala ng tiyan ni Cristine Reyes. The other day ay idinisplay niya sa kanyang Instagram account ang kanyang ipinagbubuntis.

In fairness ang ganda niya at parang happy preggy ang actress. At nagpa-short na rin siya ng hair. Heto ang inilagay niyang caption : “I have dreamy visions of pregnancy.. Cute, little bump, the beautiful glow, and the luminosity of serene happiness. In reality however, pregnancy is just like everything else in life.. Messy, uncomfortable, real. Some women breeze through their pregnancies without a glitch, other women encounter complications that lead them to bed rest. This happened to me during my first trimester. Now I’m doing good and can do some light physical activity, fly abroad or travel by land. I just have to support my lower back now with a pillow. I’m pretty excited and bored. Can’t wait to see you my baby, my ‘lil angel, my wonderful blessing. Momma loves you #babybump #pregnant #preggo #mothertobe #motherhood #haircutbyalexcarbonell

Sulong Manila 2015 Countdown star studded

Mas makulay at mas magniningning ang gagawing pasabog ng Sulong Manila 2015 Countdown sa bisperas ng Bagong Taon, December 31, sa pagdalo ng ilan sa mga sikat sa pangunguna ng hottest teen sensations na sina James Reid at Nadine Lustre.

Dadalo rin sa malaking okasyon si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, na siyang pipindot sa plunger na sisimbolo sa pagbubukas ng kauna-unahan at pinaka-engradeng 3-D video mapping pyro/laser lights show na gaganapin sa pagitan ng Manila Diamond Hotel at Ramon Magsaysay Building sa Roxas Boulevard.

Ang Sulong Manila 2015 Countdown ay kasing bongga ng mga sikat na countdown sa mundo gaya ng sa Times Square, New York at The Eye sa London.

Ito ay proyekto ng Mare Foundation, na pinangungunahan ni dating Senador Loi Ejercito.

Bukod kina James at Nadine, kasama rin sa listahan ng mga celeb na makikisaya sa Sulong Manila 2015 Countdown sina Julian Estrada, Giselle Sanchez, Arnell Ignacio, Rivermaya, Kenyo, DJ Tom Taus, DJ Gavin Skewes, DJ Dan Torres, at ang DAMAS Children’s Choir.

                                                                               

 

ANG SULONG MANILA ARNELL IGNACIO BAGONG TAON CONRAD ONGLAO MANG DOLPHY SULONG MANILA ZSA ZSA ZSA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with