Del Monte Kitchenomics, may mga swak na putahe

MANILA, Philippines – Damang-dama na sa paligid ang kapas­kuhan at ang expert kitchen planning partner na Del Monte Kit­chenomics ay magdadala ng mga putaheng swak na swak para sa holiday season.

Hindi dapat mag-alala ang mga baguhan sa kusina dahil may mga simple at easy to prepare recipes na pwedeng lutuin sa Noche Buena, katulad ng Pasta with Shrimps at ang Classic Fruit Salad, mapapanood ito sa December 21 at 27.

Sa December 20, ang resident chef at mommy na si Jackie Ang Po at ang Kapuso leading lady at foodie na si Carla Abellana ay maghahanda ng Classic Mechado, ang all-time favorite Noche Buena dish na tamang-tama at perfect for a family with good appetite.

Sa December 24 at 28 naman, ipapakita nina Chef Jackie at Carla kung anong pwede pang gawin sa mga Noche Buena leftovers sa paghahanda nila ng back-to-back na sorpresa, ang Ham and Eggplant roll-ups at Ham-Pineapple in a cup.

Samahan sina Carla at Chef Jackie ngayong December at i-enjoy ang madali at abot-kayang mga recipe ng Del Monte Kitchenomics, ang expert kitchen planning partner that provides you recipes for a better life.

Huwag palagpasin ang Del Monte Kitchenomics tuwing Miyerkules at Sabado bago mag The Ryzza Mae Show at tuwing Linggo 12:05 PM sa GMA 7.

Show comments