Yasmien Kurdi magbabakasyon sa Kuwait at Dubai

MANILA, Philippines – Sa December 23, nakatakdang umalis ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi patungong Kuwait upang mag-celebrate ng Pasko. Kasama ang kanyang asawa at anak, sosorpresahin ni Yasmien ang kanyang amang Lebanese.

“Actually hindi niya alam na pupunta kami doon. As in wala siyang idea at all. After naming magbaba ng gamit sa hotel diretso na kami sa bahay ng dad ko. Sobrang excited na ko dahil first time din niyang mami-meet si Ayesha na kaisa-isa rin niyang apo,” sabi ni Yasmien na naluluha pa habang nagkukwento.

Apat na araw silang mananatili sa Kuwait at pagkatapos ay tutungo naman sila sa Dubai upang bisitahin ang kanyang father-in-law. “Doon naman kami magnu-New Year sa Dubai kaya medyo mahaba-habang bakasyon ito. Sobrang excited talaga ko dahil masayang experience ‘to para sa aming tatlo nila Ayesha,” dagdag pa ni Yasmien.

Samantala, sa Yagit, patuloy na nangungulila ang karakter ni Yasmien bilang Dolores sa kanyang anak na si Elisa (Chlaui Malayao). Kahit na magmakaawa si Dolores ay mukhang mahihirapan siyang muling makuha si Elisa mula kay Victor (James Blanco). Mapanindigan kaya ni Victor ang desisyon na ilayo si Elisa kay Dolores? Paano kung si Elisa na mismo ang humiling na makasama ang inang si Dolores?

Mapapanood ang Yagit mula Lunes hanggang Biyer­nes pagkatapos ng The Half Sisters sa Afternoon prime block ng GMA.

Show comments