Mga lupain ni Dolphy gagawing pera!

Wala tayong kaalam-alam, pero napakarami palang real estate o lupain ang naipundar ng Hari ng Komedi na si Dolphy. At dahil hindi naman ito nagagamit ng sinuman sa mga naiwang anak ng komedyante, napagpasyahan na lamang na ipagbili ito at paghati-hatian ang kikitain kasabay na rin ng pagpapatayo ng isang museo. Ang anak niyang si Eric Quizon ang binigyan ng karapatan para pangasiwaan ang pagbebenta.

Mark sa iisang ‘babae’ na lang umiikot ang mundo

Nakabuti pala ang pagiging isang ama ni Mark Herras dahil umiiwas na raw ito sa mga babae ngayon. At gustuhin man niya, wala talaga siyang panahon na manligaw o makipag-date man lamang dahil nga sa sobrang kaabalahan niya sa kanyang baby girl na si Ada.

Aba, eh nakatulong pala ang pagkakaroon niya ng anak para magkaro’n ng direksyon ang kanyang buhay. Kung dati tsiks ang umuubos ng panahon niya, ngayon ang anak na niya.

 

Show comments