^

PSN Showbiz

Eric aminadong kailangan nila ng pera mga naiwang ari-arian ni Dolphy ipapa-auction na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipapa-auction na pala ang mga naiwang ari-arian ni Mang Dolphy. Ayon sa anak ng Comedy King na si Eric Quizon, aabot sa 30 real estate properties ang maaring pagpilian ng mga interesadong bumili.

Kabilang sa mga nakatakdang ipa-auction ay ang mga ari-arian sa Samar, Baguio, Bulacan, Batangas, Antipolo, Cavite, at marami pang iba.

Sinabi pa ni Eric sa kanyang guesting sa Aquino and Abunda Tonight last Friday, na nag-decide silang ipa-auction para makalikom na rin sila ng perang gagamitin sa pina-plano nilang Dolphy museum bilang pagkilala sa kanilang amang hari ng komedya ng industriya ng Pelikulang Pinoy.

“We’ve been trying to liquidate some of the assets. Kailangan din namin ng pera. Kung baga we have plans na i-develop ‘yung mga properties pero siyempre kailangan namin ng  pera,” pag-amin ng aktor.

Ang Dolphy Estate Auction ay gaganapin sa January sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound.

Kailangan na raw mag-register ang mga interesado bago pa ang January 31 at puwedeng kontakin ang HMR Auctions.

More than two years ago nang namatay si Mang Dolphy dahil sa sakit na COPD o chronic obstructive pulmonary disease.

Lahat na kaya ipapa-auction o nagtira pa sila?                       

ANG DOLPHY ESTATE AUCTION

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

AYON

COMEDY KING

DOLPHY THEATER

ERIC QUIZON

KAILANGAN

MANG DOLPHY

PELIKULANG PINOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with