^

PSN Showbiz

Kris napilit lang sina Coco at Direk Chito na maglabas ng pera

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa Feng Shui, natupad ang matagal na pangarap ni Coco Martin na ma­kagawa ng all time favo­rite horror film niya. Kung si Direk Chito Roño ang masusunod, ayaw sana niyang gumamit ng lalaki sa horror films niya.

Hindi siya nagulat na nakapag-deliver nang husto ang aktor niya. Higit pa sa inaasahan niya ang ginawa nito. “He delivers from the heart. Alam ko ang pinanggalingan niya at kilala ko ang mga nakasama niya,” sabi ng direktor tungkol kay Coco. 

May sosyo pareho sa pelikula sina direk Chito at Coco. Pinilit sila ni Kris Aquino na bumakas sa share niya. Kaya naman ganu’n na lamang ang kagustuhan ni Kris na mapaganda ang pelikula para kumita ito at masoli niya ang pera nila sa labis pa sa ibinigay nila. “Kung hindi, mapapahiya ako sa kanila. At ayaw na ayaw komg napapahiya,” pag-amin nito.

Coconut Palace malaki na ang ipinagbago

Ang laki ng iginanda ng Coconut Palace kung saan pinas­yalan namin at kinantahan si Sen. Nancy Binay nu’ng Miyerkules ng hapon.

Pangalawang punta ko na ‘yon sa nasabing lugar na ang mga Marcoses ang nagpatayo nu’ng pangulo pa si Ferdinand Marcos. Unang salta ko sa lugar ay nu’ng dumalo ako sa birthday ni Ruffa Gutierrez na dun ginanap.

Ngayon ay opisina na pala ito ng mga bise presidente ng Pilipinas. Dito nga­yon nag-oopisina si VP Jejomar Binay. Dito itinuloy noon ang mga sikat na personalidad tulad nina Brooke Shield, Van Clayderman, George Hamil­ton at marami pang iba. Pero ang dating tatlong kuwarto ay mga opisina na rin, ginagamit ng staff ng bise presidente.

Nakasisiyang isipin na mga 20,000 puno ng niyog ang ginamit para maitayo ang Coconut Pa­lace. Pati ang mga chandelier sa lugar ay gawa sa coconut trees. Walang pangamba ang mga nag-oopisina rito na baka tamaan ito ng lindol dahil earthquake proof ito.

isang himala…

Malaki ang dapat nating ipag­pa­salamat na hindi tumuloy sa Kamay­nilaan ang bagyong si Ruby.  Hindi ko maisip ang kapinsalaan na sana ay inihasik niya kung nakapasok siya ng lungsod. Bagaman at marami ang dahilan na sinasabi kaya hindi nagtuloy sa Kamaynilaan si Ruby, gusto kong paniwalaan na bunga ito ng marami, magkakasama, at mag­kakasabay na pagdarasal na ginawa nating lahat. With Ruby going out of the country, isang pasasalamat ang ipaabot natin sa Diyos at patuloy pang panala­ngin sa mga bagyo na nagbabadyang pumasok ng bansa,

Denise tumatanggi sa mga alok sa teatro

Kamakailan ay nasulat ko na may maganda pa­lang singing voice si Denise Laurel. Ang ipinagtata­ka ko ay ang pangyayaring wala siyang palabas sa stage, gayung puwedeng puwede naman siyang mag-perform dito. ‘Yun pala, siya ang tumatanggi sa mga alok na mag-theater siya dahil gusto niyang mag-concentrate sa TV. Passion niya ang umarte sa telebisyon. May mahalagang role siya sa programang Ipaglaban Mo na mapapanood bukas, Sabado, pagkatapos ng It’s Showtime. Excited siya sa kanyang role dahil isa siya sa dalawang babae na nag-aagawan sa isang lalaki sa episode na Ako Ang Nauna.

 

vuukle comment

AKO ANG NAUNA

BROOKE SHIELD

CHITO RO

COCO MARTIN

COCONUT PALACE

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with