Magpasikat! It’s Showtime merchandise mabibili sa ABS-CBN store

MANILA, Philippines - Nang magpasikat sa pamamagitan ng TV ratings at kung anu-ano pang bagong segment sa nakalipas na limang taon, ang hit noon time show na  It’s Showtime ay naglunsad naman ngayon ng official line ng  It’s Showtime souvenir items na mabibili sa ABS-CBN Store sa pagdiriwang ng ika-limang anibersaryo ng show.

Pwede nang ipahayag ng mga fans ng show ang kanilang walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa long running Kapamilya show sa pamamagitan ng pagbili ng mga items sa official  It’s Showtime line. Ma­liban sa mga produkto na tampok ang logo ng noontime show, marami ring pagpipilian ang mga fans sa designs na tampok ang ilan sa mga popular segments ng show tulad ng Mini Me, PinaSikat, That’s My Tomboy, at I am Pogay.

Iba’t ibang uri nang produkto ang kasama sa  collection - shirts, mugs, pati button pins, tiyak na magugustuhan ng sino mang diehard fan ng show. 

Ang It’s Showtime souvenir items ay mabibili sa ABS-CBN Store sa ground floor ng The Loop sa ELJ Build­ing. Maari ring bumili online sa www.abs-cbnstore.com.

Bukod dito, maari ring bumili ang live audience ng kanilang paboritong souvenir items sa panahon ng kanilang studio tour sa Audience Entrance.

Ang ABS-CBN Store ay ang official online store ng Kapamilya network. Bisitahin ang www.abs-cbnstore.com para sa mga latest promo at pro­duct offerings.

Show comments