James, takot mabura sa buhay ni Nadine

MANILA, Philippines - Nangangamba ang karakter ng Kapamilya star na si James Reid na mawala sa buhay ni Anika (ginagampanan ni Nadine Lustre) sa pagpapatuloy ngayong weekend (Oktubre 18 at 19) ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym Presents My App Boyfie kung saan kasama nila si Dominic Roque.

Nang nalaman ni Joe (James) na gusto na siyang burahin ni Anika, magagawa niyang kunin at itago ang computer tablet nito para manatili sa babaeng pinaka-espesyal sa kanya.

 Mababago pa ba ni Joe ang isip ni Anika ngayong lalo nang nahuhulog ang loob nito sa kanyang crush na si Melvin (Dominic)? Ano ang gagawin ni Anika kapag nawala ang mahiwagang computer tablet na lumikha sa kanyang ‘app boyfie’ na si Joe?

Tampok din sa Wansapanataym Presents My App Boyfie sina Cherie Gil, Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol, at Elise Joson. Bahagi rin ng programa bilang guest stars sina Isabel Oli at Alex Castro. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Jojo Saguin.

 

Show comments