Photo ni KC na naka-two piece swimsuit nagkalat sa Internet; Dennis ayaw nang pamagat na ulam

SEEN: Walang saysay ang pagbubura ni KC Concepcion sa Instagram ng kanyang two-piece swimsuit photo dahil marami ang nag-screenshot at  nagkalat ng sexy picture niya sa mga online site. 

SCENE: Ang shooting kahapon ng Ulam, isa sa tatlong episode ng Shake, Rattle & Roll 15, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2014 Metro Manila Film Festival. Hinimok ni Dennis Trillo ang  kanyang mga supporter na iparating sa Regal Entertainment Inc. ang pag-ayaw nila sa pamagat na Ulam. 

SEEN: Tuloy ang Bride War nina Heart Evangelista at Marian Rivera. Sina Marian at Heart ang magkahiwalay na cover girls ng October issue ng mga women’s magazine at pareho silang naka-wedding dress sa pictorial. 

SCENE: Kahapon ang birthday ni Pancho Magno, ang leading man ni Andrea Torres sa Ang Lihim ni Annasandra. Kinantahan ng birthday song si Pancho sa presscon ng Ang Lihim ni Annasandra noong Miyerkules ng gabi. 

SEEN: Ang last promo guesting ni Toni Gonzaga sa Aquino & Abunda Tonight noong Miyerkules. Ipinaalaala ni Toni sa televiewers na ngayong gabi ang 15th anniversary concert niya sa Mall of Asia Arena.

SCENE: Ngayon ang huling gabi sa telebis­yon ng My BFF, ang early primetime television series na mapapanood bago ang 24 Oras ng GMA 7.

SEEN: Si Janno Gibbs ang writer/composer ng theme song ng Ang Lihim ni Annasandra na inawit ni Maricris Garcia. Si Andrea Torres ang bida sa  Ang Lihim ni Annasandra. 

SCENE: Si John Lapus ang solo host ng Golden Screen Awards ng Entertainment Press So­ciety na gaganapin bukas, October 4, sa Greenhills Teatrino.

Show comments