^

PSN Showbiz

Camille nakipagsabwatan kay John para sa proposal kay Isabel

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Maraming sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay nina John Prats nung nakaraang Miyerkules ng gabi nang kami ay mapadaan kaya nag-conclude na lamang kami na may party sa loob ng bahay.  Little did we know na may celebration palang nagaganap that evening dahil earlier that day ay nag-propose na ang dancer-actor-TV host na si John sa kanyang girlfriend na si Isabel Oli na ginanap sa Eastwood.

Early this year ay lumulutang na ang planong pagpapakasal ng magkasintahang John at Isabel. Sa mga naunang panayam kay John ay naging very open ito sa pagsasabing si Isabel na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay at si Isabel naman ay nagsabing naghihintay lamang siya sa proposal ng kanyang nobyo.

Naging sunud-sunod ang marriage proposals at celebrity weddings this year.  Magkasunod na ikinasal sina Drew Arellano at Iya Villania, Karylle (Tatlonghari) at Yael Yuzon, Miriam Quiambao at Eduar­­do “Ardy” Roberto, Jericho Rosales at Kim Jones at maging ang widowed couple na sina Boots Anson Roa at Atty. King Rodrigo.

Magkakaiba ang gimmick ng mga male celebrities sa ka­ni­lang marriage proposals. Ang cager na si JC Intal ay nag-pro­pose kay Bian­­ca Gonzales sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  bago nag-board sa kanyang eroplano patu­ngong London ang TV host-actress.  Si Jericho Rosales ay nag-propose kay Kim Jones sa kanilang Christian congregation, si Dingdong Dantes ay nag-propose kay Marian Rivera on national television sa birthday presentation ng aktres sa kanyang dance show na Marian on GMA at si Sen. Chiz Escudero naman ay nag-propose kay Heart Evangelista sa hometown ng senador sa Bicol.

Kakaiba naman ang ginawa ni John Prats sa kanyang nobyang si Isabel dahil naging witness sa kanyang proposal ang maraming tao sa City Walk ng Eastwood.  Niyaya ni Camille Prats sa East Wood City si Isabel sa pag-aakalang magsa-shopping lamang sila. Walang kaalam-alam si Isabel na may nakahanda palang special surprise sa kanya ng araw na `yon.  Makapal ang tao sa isang lugar sa Eastwood City na masaya at nagsasayawan. Bigla na lamang lumabas doon si John at nakisayaw sa mga tao. Maya-maya lamang ay may lumabas na mensahe si John sa nobya sa malaking video wall na sinundan ng fireworks at pagkatapos nito ay saka lumuhod si John sa harapan ng girlfriend at nag-propose with matching diamond ring. Naiyak si Isabel sa sobrang tuwa at pagka-sorpresa na agad namang nag-yes sa proposal ng nobyo.

A couple of months ago, aksidente naming nalaman na lumipat na pala ng tirahan  sa Village East Executive Homes in Cainta, Rizal (same village nina John at Camille Prats) si Isabel.

Sino kaya Salve A. ang susunod na magpu-propose sa taong ito?

Pamilya patuloy na humihingi ng dasal Tia Pusit life support na lang ang bumubuhay

Habang tinitipa namin ang column na ito ay patuloy na nakikipaglaban sa kanyang buhay ang 64-year-old come­dienne na si Tia Pusit, Myrna Villanueva sa tunay na buhay na sumailalim ng double heart bypass operation sa Philippine Heart Center last September 9.

Ayon sa balita, life support na lamang umano ang bumubuhay sa komedyana kaya humihingi ang kanyang pamilya ng taimtim na dasal at financial help.

Si Tiya Pusit ay kapatid ng aktres na si Nova Villa.

 

vuukle comment

CAMILLE PRATS

ISABEL

JOHN

KANYANG

KIM JONES

NAG

SHY

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with