^

PSN Showbiz

Nora umaming nagpabaya sa kontrata sa TV5!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi masagot ni Superstar Nora Aunor kung magre-renew pa siya ng contract sa TV5. Sa October 29 na kasi mae-expire ang contract niya sa Kapatid Network.

Pero obvious na may tampo siya sa nagpabalik sa kanyang network.

Hindi raw kasi siya naging masaya sa na­ging changes sa kontrata niya.

“Nakalagay naman sa kontrata ko na kung may gagawin akong desis­yon, pag-uusapan muna namin. Kung kakausapin ako,” pahayag niya.

“Actually, ang nagawa ko lang na teleserye, ‘yung Sa Ngalan ng Ina, tapos Never Say Goodbye tapos, maano pa ‘yung istorya, siguro, may mga nakapanood naman nu’n, ayoko namang mamintas. Tapos, puro guestings,” sabi ni Ate Guy kahapon sa presscon ng latest film niyang Dementia na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at showing sa September 24, Wednesday.

Pero aminado naman siyang may mga pagkukulang din naman siya noon. “Nagpabaya rin naman ako noong araw, eh, sa trabaho ko. Inaamin ko naman ‘yun. Pero hindi naman ako nang-iindyan, ‘yung hindi sumisipot. Nale-late nga lang ako. Pero ‘pag may appointment ako, sinisigurado ko na mapupuntahan.

“Ang makakapigil lang sa akin, kung may sakit ako. Katulad nung sa Sa Ngalan ng Ina na tatlong beses ako naospital. And dapat ‘yun, sagot ng TV5, pero binawas din sa talent fee ko.

“Hindi naman masama siguro na maghanap ka rin ng importansiya kahit papaano kasi kahit ano rin naman ang hilingin nila siyempre, dahil sa nakakontrata ako, pinagbibigyan ko naman lahat at wala naman silang masasabi sa akin,” pag-amin at depensa naman niya tungkol sa ginawa niya noong mga unang taon niya sa TV5.

Siguradong may sagot dito ang TV5 dahil hindi naman nila gagawin ‘yun kay Ate Guy kung walang rason.

Anyway, dating boss ni Nora sa TV5 ang director niya sa pelikulang Dementia, si Perci Intalan, na sa trailer pa lang ay nakakawindang na ang mga eksena.

Walang masyadong dialogue ang Superstar sa pelikula bilang wala nga siyang maalala sa kanyang buhay maliban sa mga nakikitang mga nakakatakot na pangyayari sa kanilang paligid.

Mga kasali sa ‘problema’ ni Lovi sa aswang, may mga koneksiyon

Sooner or later siguradong magkakaayos din ang grupo ng PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) at ang grupo nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.

Anak ni Mother Lily si Dondon na naglabas na rin ng sama ng loob sa grupo ng mga manager dahil hindi raw sila binigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa totoong nangyari bago pa man nag-post si Direk Erik Matti ng sama ng loob kay Lovi Poe, na alaga ng talent manager na si Leo Dominguez na member ng PAMI.

Naglabas ng sanction ang PAMI laban kay Direk Erik na ayon naman sa PAMI ay ang kinondena lang nila ay ang pagmumura ni Direk Matti kay Lovi sa social media.

Magkakaibigan ang members ng PAMI at si Mother Lily kaya pasasaan ba’t maaayos din ito.

Every Saturday halos magkakasama sila. Magkakabarkada sila kaya may koneksyon silang lahat.

Sa kasalukuyan ay mainit pa ang isyu kaya maghintay-hintay lang tayo at maaayos din ‘yan.

Si Mother Lily ay kalmado kahapon nang hingan siya ng reaction tungkol sa isyu. “What is important is to justify. Ano ba ang nangyayari kay Lovi Poe at saka ‘yung manager na si Leo Dominguez? You know, they are all my business partners,” sabi ng Regal matriarch tungkol sa relasyon niya kina Lovi at sa manager niya.

“Before they draw a conclusion, sa PAMI, work it out in peace,” dagdag niya kahapon sa presscon ng Dementia na pinagbibidahan ni superstar Nora A­unor kung saan ang Regal Films ang magre-release.

“Ako naman, it’s nothing talaga these things that happened to Dondon and also to Lovi Poe. But I really want to advice PAMI to justify the situation.

“Mag-justify muna kung ano ang nangyayari para ma-resolve. As I know, talagang mabait si Dondon. Hindi naman ‘yan basta-basta magsasalita nang hindi totoo,” dagdag ni Mother Lily.

Nag-umpisa ang gulo sa pagitan ng grupo nina Direk Erik/Dondon at Leo D. nang tumanggi si Lovi na gawin ang sequel ng Aswang Chronicles dahil daw sa talent fee samantalang meron silang kontrata.

Sa Regal nag-umpisa si Lovi at nakakontrata siya kay Mother. May talent management group naman sina Leo at si Roselle Monteverde kaya walang rason para hindi sila magkaintindihan.

vuukle comment

AKO

DONDON

LOVI

LOVI POE

MOTHER LILY

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with