^

PSN Showbiz

Ronnie Ricketts suspendido, Ogie Alcasid malamang mapisil na kapalit sa OMB!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May mga dokumento rin daw hawak ang dating OMB (Optical Media Board) Chairman na si Edu Manzano na magpapatunay na umano’y napabayaan nga ni current OMB Chairman Ronnie Ricketts ang kanyang tungkulin. Ayon sa isang source, handang ilabas ni Edu ang mga dokumento na nanggaling sa ilang emple­yado ng OMB na umano’y dismayado rin sa naging pamumuno ni Mr. Ricketts na hold over ang position dahil sa administration pa siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pero hindi siya napalitan hanggang ngayon.  Iba pa umano ito sa dokumentong pinagbasehan ng Ombudsman kaya ito sinuspinde ng anim na buwan.

Nauna na kasing sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Chairman Ricketts at iba pang apat na opisyales dahil sa ‘neglect of duty’ na ang naging basehan ay ang sinasabing pagsasauli ng nga kinumpiskang pirated VCDs and DVDs, video recording sa isang raid sa may-ari kinagabihan matapos ang raid. Anim na buwang sinuspinde si Chairman Ricketts na hindi na gaanong aktibo sa showbiz kaya ang OMB na lang ang pinagkakaabalahan. Ayon sa statement ng Ombudsman : “The Office of the Ombudsman found substantial evidence to hold top officials of the Optical Media Board (OMB) administratively liable for Neglect of Duty in connection with the post-raid operations conducted against Sky High Marketing Corporation (Sky High).”

Idinagdag pa ng source, na may mga ipinasok din daw mga tao si Chairman Ricketts na hindi eligible kaya nagkaka-problema sila.

Sinabi pa ng source na umano’y may isyu pala sa mga basketball tournament ng OMB dahil malaki raw ang nagagastos dito.

Actually, naging tahimik ang OMB sa pamumuno ni Chairman Ricketts. Bibihira na ang nababalita na nagkakaroon ng raid at tuloy naman ang pagdami ng pirated VCDs and DVDs. Kahit sa mga kalsada bargain na bargain na ang mga piratang kopya ng mga pelikula at music cds.

Tapos heto biglang bumulaga ang suspension ni Chairman Ricketts.

Sakaling maging effective na ang suspension ni Mr. Ricketts sino kaya ang papalit sa position? Si Ogie Alcasid na kaya na chairman ng OPM?

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Mr. Ricketts at dokumentong puwedeng ilabas ni Mr. Manzano.

Dading dadayo sa Tuna Festival

Makikiisa ang mga bida ng Dading na sina Glaiza De Castro, Benjamin Alves, at Chynna Ortaleza sa Kapuso Mall Show ngayong araw sa The Atrium ng Gaisano Mall of GenSan simula 3:00 pm.

Makakasama nila ang Sa Puso ni Dok lead actress na si Bela Padilla.

Bahagi ito ng selebrasyon ng General Santos City ng kanilang Tuna Festival.

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN

CHAIRMAN RICKETTS

MR. RICKETTS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OPTICAL MEDIA BOARD

RICKETTS

TUNA FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with