^

PSN Showbiz

Kapamilya aktor naging lasenggo sa sobrang insecure sa dalawang aktor na galing sa ibang network

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na sobrang insecure umano ngayon ang aktor na ito sa paglipat ng dalawang actor sa Kapamilya Network na mas nabibigyan ng attention at sunud-sunod na magagandang projects kesa sa kanya.

Dahil sa pagka-insecure, ginagawa umano nitong outlet ang alak at madalas umano itong nakainom kapag nagre-report sa set. May time na nga raw na inilalagay umano ng aktor sa bote ng mineral water ang alak para hindi siya mahalata na umiinom ng alak.

Kapag nagpatuloy ang aktor sa kanyang bisyo, malamang na unti-unti siyang mawawalan ng trabaho na sayang naman dahil napakaganda ng takbo ng kanyang career at hindi naman siya pinababayaan ng kanyang home studio in terms of projects.

Dating aktor na si Don Laurel, enjoy sa pagiging police sa Canada

Natatandaan pa ba ninyo ang young actor ng Star Magic (Talent Center pa noon) noong 90’s na si Don Laurel? Napanood siya noon sa youth-oriented program na Gimik at sa seryeng Sa Dulo ng Walang Hanggang. Napasama rin siya noon sa pelikulang Batang PX, Soltera, Anak, at iba pa at hindi naglaon ay bigla na lamang siyang nawalang parang bula.

Si Don ay isang police constable sa 32nd Division ng Toronto Police Department ngayon na may anim na taon na niyang trabaho. Tumutulong din siya sa Philippine Consulate ng Toronto.

Si Don ay isa lamang sa maraming artista o celebrities na nag-migrate sa ibang bansa.

Ang singer na si Joey Albert ay sa Canada na rin naka-base habang ang karamihan sa kanila ay nagkalat sa iba’t ibang bahagi ng Amerika kung saan sila nakatagpo ng mas stable at mas matiwasay na pamumuhay.

Carla dapat nang itikom ang bibig

Dapat siguro ay maging tahimik na lamang si Carla Estrada tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann para hindi na lumala pa ang kanilang `away’.  Sa halip, dapat pareho na silang mag-move on after their separation and be happy na patuloy pa rin silang pinagkakatiwalaan ng magkakahiwalay na projects laluna si Carla na kabi-kabila ang dumarating na trabaho.

Si Carla ang unang nagsalita about thier break-up pero si Geoff ay naging tahimik lamang.

Hindi nakakatulong kay Carla at sa dati niyang nobyo kung magbabangayan sila sa social media.

Bukod sa ongoing TV series na Destiny na pinagtatambalan nila ni Tom Rodriguez, si Carla ay nasa pelikulang Somebody to Love na magbubukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules,  August 20.

 

CARLA

CARLA ESTRADA

DON LAUREL

GEOFF EIGENMANN

JOEY ALBERT

PHILIPPINE CONSULATE

SA DULO

SI CARLA

SI DON

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with