^

PSN Showbiz

Guy tinuruang mag-relax si Rocco

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Isang malaking karangalan para kay Rocco Nacino na makasama nito sa indie film na Hustisya ang idolo niyang si Nora Aunor. 

Inamin ng aktor na noong una silang isalang sa eksena ay kinakabahan siya dahil isang Superstar na napakagaling umarte ang kaeksena niya.

Nahalata ito ng aktres at sinabihan siyang maging komportable para maging natural ang acting.

“Marami akong natutunan kay Ms. Nora at isa na rito ang pagiging relaxed sa set. Lagi siyang nakaalalay sa akin at ang tawag niya sa akin ay “anak”. Hindi mo mapi-feel na isa siyang superstar dahil pare-pareho ang tingin niya sa lahat,” anang aktor.

Bukod sa Hustisya, may bagong teleserye sa GMA 7 si Rocco titled Hiram na Alaala kasama sina Dennis Trillo, Kris Bernal, at Lauren Young sa direksyon ni Dominic Zapata.

Erich, Enchong, at JC nagliliyab ang love scenes

Tampok sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at JC de Vera sa pelikulang Once  A Princess ng Skylight Films at Regal Films. Sa direksyon ni Laurice Guillen at hango ang pelikula sa Precious Hearts Romances national best seller na may parehong titulo at sinulat ng fictionist na si Angel Bautista.

Isang modernong fairy tale ang Once A Princess at ipinakikita nito na puwede ring mabahiran at maapektuhan ang isang tapat na pag-ibig sa pamamagitan ng panloloko, kataksilan, at maling pag-asa.

May maiinit na love scene ang tatlo na siguradong paliliyabin dahil ilalantad nina Erich, Enchong, at JC ang kanilang mga katawan, puso, at kaluluwa sa kanilang pagbibigay ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Palabas na ito sa lahat ng sinehan simula ngayong Agosto 6.

vuukle comment

A PRINCESS

ANGEL BAUTISTA

DENNIS TRILLO

DOMINIC ZAPATA

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALES

HUSTISYA

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with