^

PSN Showbiz

Jake ipina-tattoo ang pangalan ni Bea

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Balak ni AiAi delas Alas na kausapin si Aljur Abrenica at payuhan na mamili ng consultant nito.

Ang tingin nito, ill-advised ang Kapuso young actor sa ginawa niyang pagdemanda sa GMA 7.

“Marami kasi ang mga involved dito, about mga utang na loob lalabas diyan, about bakit ito ‘yung pamilya mo na iiwanan mo.

 “Siguro ang best ko na lang na masasabi sa kanya, tatawagan ko siya at bigyan ko siya ng payo na personal,” pahayag ni AiAi nang tinanong namin ito sa presscon ng Cinemalaya entry niyang Ronda.

Ang dinig namin, nasa Sunday All Stars pa mamaya si Aljur. Abangan kung ano ang drama niya sa musical variety show na ito.

PAK: Nagpa-tattoo pala si Jake Vargas ng pangalan ni Bea Binene sa may kanang kamay nito.

Nagulat ang young actress nang nakita niyang isang malaking Bea ang ipina-tattoo ng kasintahan.

Nagpaalam daw si Jake sa kanya na magpa-tattoo ito at um-okay naman daw siya, na wala raw siyang kamalay-malay na pangalan pala niya ang ipapa-tattoo.

“Siyempre natuwa ako. Ang laki pa nang pinalagay niya,” parang kinikilig na pahayag ni Bea.

“Siyempre, kami naman ni Bea eh, kaya okay lang na permanent na dito ‘yan,” sagot naman ni Jake.

Wala namang balak si Bea na magpa-tattoo rin ng pangalan ni Jake.

Hindi naman daw basehan ‘yun ng pagmamahal. Pero natuwa raw siya at na-touch sa ginawa ni Jake.

BOOM: Nasa korte na ang annulment case ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Napaghandaan na raw ni Sunshine ang pagdinig, at dapat ay matibay daw ang dibdib nila pareho para balikan ang mga nakaraan at pag-usapan ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pati ang mga anak nila ay handa na rin daw at naintindihan ang mga buong pangyayari.

“They just want what’s best for both of us. Ganun sila ka-mature, gusto nilang maging happy kami separately,” pahayag ng aktres sa press launch ng bagong endorsement niyang White Glo Crave Away Toothpaste.

Bumalik nga ang kaseksihan ng aktres kaya ipinagkatiwala sa kanya ang naturang endorsement.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BEA

BEA BINENE

CESAR MONTANO

JAKE VARGAS

SIYEMPRE

SUNDAY ALL STARS

SUNSHINE CRUZ

WHITE GLO CRAVE AWAY TOOTHPASTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with