Heart at Alessandra nasira sa isang lalaki?!
SVA (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Galit na galit daw pala talaga si Alessandra de Rossi sa kaibigang si Heart Evangelista matapos ibuko ng huli ang tungkol sa kanila ng actor na si Sid Lucero na nabalita rin naging ex ni Heart.

Mismong ang malapit daw sa dalawa ang nagkukuwento sa pagkakasira nila dahil sa isang lalaki ayon sa source.

Kung ganun, ang gandang lalaki naman ni Sid at nasira ang pagkakaibigan ng dalawa.

Pizza thins swak sa movie time

Na-try n’yo na ba ang Greenwich Pizza Thins?

Gosh super.

Swak na swak sa movie night or snack at home or office.

Nung nag-try ako, nalimutan ko na may sinusunod pala akong diet ek ek. Hahaha.

Anyway, there are many pizza lovers na paiba-iba ang pizza experience. Oo naman, importante ang toppings sa pizza pero ‘yung iba ay prefer and thick and bready crust while others would choose a thin crust that can give them that perfect cracking sound.

Last year ito ang napansin ng Greenwich kaya naimbento nila ang Greenwich Thins line.

Pero ang kaibahan nito, when you take your first bite, you pause and take in the pizza’s flavor, aroma and crispy texture. At imposibleng hindi mo mapansin ang cracking sound it makes ‘pag kinagat mo na ang crispy, tasty, cheesy and meaty pizza slice.

Malutong na, flavorful pa ang toppings kaya mas bongga na ang Pizza Thins ng Greenwich.

Nagkaroon nga pala sila nang #CrackThat Day lasy July 16. Namigay sila ng 10,000 boxes ng Greenwich Pizza Thins.  

Kylie hindi priority?!

Ano na nga ba ang nangyayari kay Kylie Padilla? Bukod sa album niya, wala pa rin teleseryeng nababalitang gagawin niya.

Ang pinagkakaabalahan niya lang ay ang promo ng debut album niyang Seasons under GMA Records.

Ang carrier single niyang Gitara ay siya mismo ang nagsulat.

Also included in her debut album are Awake, Mine, Thank You, Lonely Without You, Seasons, Sulat, and Alive.

“Making this album, was truly an emotional journey. I got to know more about myself, and I’m sure na marami ring makaka-relate sa songs na nasa album na ito,” sabi ni Kylie sa kanyang previous interview.

Puwede nang i-download digitally ang Seasons via iTunes, Amazon and Spotify while the CD format ay available na sa mga music store.

Tanging sa Sunday All Stars lang napapanood si Kylie sa kasalukuyan.

Victor Neri napabayaan sa kusina

Ibang-iba na ang hitsura ni Victor Neri ngayon kumpara noong bago siya nagbabu sa showbiz.

Si Diether Ocampo ang kapanabayan niya pero parang literal na napaba­yaan sa kusina si Victor dahil naging chef nga raw siya.

Kasama siya ngayon sa mag-uumpisang Hawak Kamay na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.

Matagal ding namahinga si Piolo sa teleserye. Last niya ang Apoy sa Dagat with Diether and Angelica Panganiban na parang nag-e-enjoy din sa pagkain.

Paano mababago ng responsibilidad ng pagiging ama sa tatlong ampon ang buhay ng isang lasenggong nangangarap maging sikat na musikero?

Ito ang tanong sa bagong family drama ng ABS-CBN kung saan mapapanood ang pagbabalik ni Piolo sa mundo ng teleserye pagkatapos ng tagumpay ng kanyang nakaraang pelikulang Starting Over Again.

Makakasama ni Piolo sa Hawak Kamay ang tatlo sa mga pinakamahuhusay na child star ng bansa na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, at Xyriel Manabat at ipinakikilala ang bagong child star na si Yesha Camille, na naging Grand i-Shiner matapos i-mentor ni Piolo sa pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp.

Ang Starting Over Again co-star ni Piolo na si Iza Calzado ay kasama din sa cast, pati na rin ang singer-actress na si Nikki Gil, ang Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite mainstay na si Ryan Bang, ang She’s Dating the Gangster cast member na si Sofia Andres, ang former Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres, at ang nagka-comeback na si Victor.

Gaganap si Piolo na si Gin, isang lasenggong bumibitaw na sa pangarap niyang ma­ging sikat na musikero. Dahil sa isang aksidente, ma­pupunta kay Gin ang responsibilidad na kunin ang tatlong batang in-adopt ng kanyang na­matay na kapatid: sina Emong (Zaijan Jaranilla), Dara (Xyriel Manabat), at Ningning (Yesha Camile). Ang set-up na ito ay babantayan ng isang matapang na attorney, si Bianca (Iza Calzado) at ng kanyang kapatid na si Lorrie (Andrea Brillantes), na makakakita kung tama ba si Gin para sa tatlong mga bata. Sa paghaharap nilang lahat sa iba’t ibang bagay ay unti-unting malalaman nila kung ano ba talaga ang importante sa buhay at kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng isang pamilya.

Ito ang kapalit ng Dyesebel, mapapanood after TV Patrol.

 

ANDREA BRILLANTES GREENWICH PIZZA THINS HAWAK KAMAY IZA CALZADO PIOLO PIZZA VICTOR NERI XYRIEL MANABAT ZAIJAN JARANILLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with