^

PSN Showbiz

Indie actress pinataob sina Vilma at Nora

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Ang live telecast ng 37th Gawad Urian sa Cinema One noong Martes ng gabi mula sa Dolphy T­heater.

Namayagpag uli ang mga indie movie at indie actors dahil sila ang nakakuha ng pinakamara­ming parangal mula sa award-giving body ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Magkakaroon ng replay telecasts sa June 21 and June 26 at 7:00 p.m. and on June 29 at 2:00 p.m. sa Cinema One. 

SCENE : Isa sa mga nagsilbing presenter ang veteran actress na si Amalia Fuentes na kilig na kilig sa kanyang idol na si Piolo Pascual.

Maraming beses na hinalikan ni Amalia si Piolo na mabangung-mabango sa kanyang pang-amoy.

SEEN : Si Angeli Bayani ng Norte Hangganan ng Kasaysayan ang best actress ng 37th Gawad Urian.

Tinalo ni Angeli ang Star for All Seasons Vilma Santos at Superstar Nora Aunor

SCENE: Ang mga nagwagi sa 37th Gawad Urian:

Pinakamahusay na Pelikula:  Norte, Hangganan ng Kasaysayan

Pinakamahusay na Pangunahing Aktres: Angeli Bayani (Norte, Hangganan ng Kasaysayan

Pinakamahusay na Panguhahing Aktor: Joel Torre (On the Job)

Pinakamahusay na Direksyon: Hannah Espia (Transit)

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula: Lav Diaz at Rody Vera (Norte, Hangganan ng Kasaysayan)

Pinakamahusay na Sinematograpiya: Lauro Rene Manda (Norte, Hangganan ng Kasaysayan)

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon: Adolfo Alix, Jr. (Porno)

Pinakamahusay na Musika: Emerson Texon (Sonata)

Pinakamahusay na Editing: Chuck Gutierrez (Riddles of My Homecoming)

Pinakamahusay na Tunog: Corinne de San Jose (On the Job)

Pinakamahusay na Dokumentaryo: Nanay Ma­meng

Pinakamahusay na Ma­ik­ling Pelikula: Missing

Pinakamahusay na Pa­ngalawang Aktor: Junjun Quintana (A Philippino Story)

Pinakamahusay na Pa­ngalawang Aktres: Angel Aquino (Ang Huling Chacha ni Anita)

May special tribute naman ang nasirang director na si Gerardo “Gerry” de Leon.  

SCENE : Hindi na dapat sinasagot ni Ruffa Gutierrez at ng ibang mga artista  ang  kanilang mga basher dahil ang mainis, talo.

Block lang ang katapat ng mga basher na libangan na ang mambuwisit ng kapwa.

SEEN : Hindi problema kay Senator Jinggoy Estrada ang makulong siya sa Camp Crame dahil bukod sa paninindigan niya ang pagiging sexy, malapit ang Camp Crame sa bahay nila sa Greenhills, San Juan City. 

SCENE : Ngayon ang 153rd birth a­nniversary ng national hero na si Dr. Jose Rizal. Sa pangunguna ni Calamba City Mayor Justin Chipeco, ipagdiriwang ngayon sa birth place ni Rizal ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng Float Parade competition at Buhayani SayawIndak Street Dancing competition.

ANGELI BAYANI

CAMP CRAME

GAWAD URIAN

HANGGANAN

KASAYSAYAN

NORTE

PINAKAMAHUSAY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with