Vice hindi kayang siraan si Terrence Romeo

Global Port rookie Terrence Romeo at Vice Ganda.

MANILA, Philippines – Mas mahalaga sa komedyanteng si Vice Ganda na huwag saktan ang iba tao bago ipagtanggol ang sarili sa mga naglalabasang isyu tungkol sa kanila ng PBA player na si Terrence Romeo.

Sa kanyang panayam sa “The Buzz” kahapon ay sinabi ng “It's Showtime” host na nais niyang depensahan ang sarili ngunit may masasaktan lamang/

“Gusto kong ipagtanggol yung sarili ko pero ayokong may taong masaktan at mapahiya kapag lalo kong pinagtanggol ang sarili ko,” wika ng komedyante.

Sa ulat ni Snow Badua ng sports website na Spin.ph ay sinabi sa kanya ni Romeo na nais niyang matakasan na ang pagli-link sa kanya kay Vice.

“Sana matapos na 'yung isyu na 'yan, dahil paulit-ulit lang naman na hindi katotohanan! Isang multo 'yan ng imahe ko na gusto ko nang mabura totally,” reaksyon ng basketbolista sa mga ulat na siya ang ex-boyfriend ni Vice.

Dumepensa naman ang komedyante at sinabin wala naman siyang pangalang binitawan sa tuwing mapag-uusapan ang kanyang boyfriend.

“I never confirmed anything. I never said we were together. Wala akong tahasang, diretang sinabing Terrence Romeo,” sabi ni Vice. “Wala akong sinabing masama tungkol sa kanya and I will never say anything ill about him.”

Sinabi pa ni Vice na wala siyang balak saktan ang mga taong malalapit sa kanya.

“Gusto kong ipagtanggol yung sarili ko pero ayokong may taong masaktan at mapahiya kapag lalo kong pinagtanggol ang sarili ko. Ayokong manakit ng taong mahalaga sa akin. Ayokong manakit ng kaibigan.”

Mula pa noong naglalaro pa para sa Far Eastern University si Romeo ay naiuugnay na ang kanyang pangalan kay Vice kaya naman nang mag-tweet ang komedyante ay nabuhay ang isyu sa kanila.

“i TRied  but im TiRed. time To Rest,” post ni Vice sa micro-blogging site na Twitter matapos ang break-up sa hindi pinangalanang lalaki.

Show comments