Model na na-link kay Kris, mabenta sa mga bading at cougar!
SVA (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ipinakita ng isang kong friend na gay ang Instagram photos ng Fil-Am model na si  John Spainhour na minsang ini-link kay Kris Aquino. Madalas daw kasi niya itong masalubong sa isang mall sa Makati kaya nagka-interes siyang i-follow sa Instagram.

“In fairness ‘te mukhang ‘dakila,’” sabay tawa ni bukhling na director.

At totoo, grabe pala ang pictorial nito na naka-trunks lang. Bakat na bakat nga naman ang pagkalalaki. “Kaya siguro natipuhan ni Kris. Ang kaso parang wa naman siya type, hahaha,”  comment ulet ni Direk. “At talagang ibinabalandra niya ha. Nakita mo ba ito (sabay turo sa picture na naka-trunks ang Fil-Am model habang naka­tingala. “Yummy ‘di ba,” dagdag niya.

Kaya naman pala nagpi-piyesta sa Instagram ang mga bading at mga cougar.

Maging ang abs ni John na ibinandera sa kanyang Instagram account, naglalaway ang ateng na director. Bukul-bukol kasi ang pandesal. Hahahaha.

Bago napunta sa bansa si John, nasa military siya at limang taon siyang nag-station sa Iraq at scout sniper siya sa under U.S. Marine Corp.

Nanalo rin daw ito sa fitness competition sa bansa pero hindi gaanong tumunog ang pangalan. Pinag-interesan lang siyang makilala nang ma-link kay Kris.

Definitely walang padalang flowers si John kay Kris last Mother’s Day dahil sa post ni Kris sa kanyang Instagram binanggit niya ang mga nagbigay sa kanya ng bulaklak at pinangalanan niya na may hastag na #iwasintriga.

 

BAKAT BUKUL DIREK FIL-AM INSTAGRAM JOHN SPAINHOUR KAYA KRIS AQUINO MARINE CORP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with