^

PSN Showbiz

Maricar puwede pa ring tamnan ng similya ng asawa na nakatago sa isang clinic

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nakita namin ang aktres na si Maricar de Mesa kasama ang ilang kaibigan na nag-dinner sa Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City, pero hindi namin ito hiningan ng pahayag tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang cager-husband of seven years na si Don Allado.

Ngayong hiwalay na ang mag-asawang Maricar at Don, may ilang ispekulasyon na naglabasan at kasama na rito ang hindi nila pagkakaroon ng supling at pagiging lavish umano sa paggastos ng aktres.

Hangga’t hindi nagsasalita ang isa kina Maricar at Don ay mananatiling nakalutang ang iba’t ibang ispekulasyon tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Kilala namin ang clinic kung saan may ongoing medical procedure na isinagawa o isinasagawa ang (dating) mag-asawa pero hindi nga lamang kami sigurado kung ito’y matutuloy pa dahil hiwalay na nga ang (dating) mag-asawa. Pero sayang naman ang efforts at malaking gastos ng dating couple kung ito’y babalewalain lamang at hindi na itutuloy. Nag-undergo ng In Vitro procedure si Maricar pero hindi pa ito naitatanim sa kanya dahil sa kanyang pagiging sobrang busy. Ang pinagsamang egg and sperm ng dating mag-asawa ay nananatiling nasa freezer lab ng clinic na kanilang pinuntahan.

Pinoy Entertainers sa Japan matumal pa rin

Medyo may pagka-weird ang weather ngayon sa Japan. Last Saturday and Sunday (May 3 & 4) ay mainit sa araw pero malamig sa gabi, pero nung nakaraang Lunes at Martes (May 5 & 6) ay sobrang lamig doon mapa-araw man o gabi may kasamang ambon pa.

Nung nakaraang Lunes (May 5) ng umaga, past 5:00 a.m. doon (4:00 a.m. sa Pilipinas) ay nakaranas kami ng magnitude 6 na lindol sa Tokyo. Ito ang dahilan kung bakit nagising kami ng maaga. Nagsu-sway ang building (nasa 11th floor ako ng building) at imposibleng hindi ka magising kahit mahimbing ang tulog mo. Ang kagandahan lamang sa Japan, naka-earthquake proof ang mga buildings doon huwag lamang magkakaroon ng tsunami tulad nung 2011 na kumitil ng napakaraming buhay at nag-wash out ang isang buong town na hindi kalayuan sa Tokyo.

Nang lumabas kami ng condo building where my daughter, Aila Marie stays in Tokyo, animo’y walang nangyaring lindol. considering na malakas din ang magnitude 6. Magnitude 9 ang pinakamatinding lindol sa Japan na nag-create ng tsunami in 2011.

Kahit sanay ang mga Hapon sa lindol, naroon pa rin ang kaba na maulit ang 2011 tsunami.

Six years to go pa (2020) bago ang Olympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan pero ramdam mo na sa nasabing lugar ang paghahanda sa pinakamalaking palaro sa buong mundo.

Hindi pa rin bumabalik ang sigla ng Filipino entertainers sa Japan since Japan’s crackdown in 2003. Maraming club owners ang naapektuhan at marami sa kanila ay nagsara. Pati ang pagdagsa sa Japan ng mga Filipino entertainers ay naapektuhan nang husto.

Sa aming pagtatanung-tanong, marami sa ating mga kababayan na permanent residents na sa Japan ang umaangal dahil matumal umano ang negosyo roon considering na may more than 200,000 Filipinos in Japan (listed and unlisted).

Alam mo, Salve A., kailangang tanggapin ko na ang katotohanan na ang anak kong si Aila Marie ay sa Japan na magbi-base matapos niyang mag-aral doon ng halos anim na taon at ngayon ay nagta-trabaho na siya sa isang multi-national company in Tokyo with overseas operations which will also give her a chance to travel abroad.

Almost two decades akong nagtrabaho sa isang Japanese employer (with the parent company based in Tokyo, Japan) pero never akong natutong magsalita, magbasa, at magsulat ng Hapon pero ito’y binawi ng anak kong si Aila Marie who can speak, write, and read Kanji like a Japanese local.

Toni inaabangan na ang paglabas ni Alex sa bahay ni Kuya

Entertainer sa loob ng kanilang bahay si Alex kaya sobrang nami-miss ni Toni ang kapatid. Hindi lang naman kasi magkapatid ang kanilang turingan, kundi para silang magkabarkada. Nami-miss ni Toni ang kakulitan ng nakababatang kapatid na first time niyang naranasan. Kahit pareho silang busy sa kanilang respective careers, kakaiba sila pagdating sa loob ng kanilang bahay.

Walang idea si Toni kung kelan palalabasin ni Kuya si Alex na isa dapat sa mga hosts ng PBB All In.

vuukle comment

AILA MARIE

ALEX

ALL IN

BONIFACIO GLOBAL CITY

JAPAN

MARICAR

PERO

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with