Concert nila Sandara Park pinananabikan ng fans!

Seen : Pinilahan  ng mga Pilipino ang The Amazing Spider-Man 2 na may gross na P112.6 million sa unang dalawang araw na pagpapalabas sa mga sinehan.

Tinalbugan ng The Amazing Spider-Man 2 ang first day gross ng My Little Bossings.

Naunang sinabi ni Kris Aquino nang interbyuhin niya si Andrew Garfield, bida sa Spider-Man 2, na itinaob ng Little Bossing ang unang Spider-Man nang ipalabas sa ‘Pinas.

Scene : Nabuhay ang clamor na maglaban sa boksing sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. dahil nanalo ito sa boxing fight nila ni Marcos Maidana ng Argentina noong Biyernes sa MGM Grand Garden.

Grand entrance sa MGM Garden si Mayweather Jr. dahil sinamahan siya nina Justin Bieber at Lil Wayne.

Seen : Excited na ang fans ng 2NE1 sa concert ng South Korean all girl group sa Mall of Asia Arena sa May 17.

Member ng 2NE1 ang former Star Magic talent na si Sandara Park.

Scene : Nakikisimpatiya si Rochelle Pangilinan sa YouTube sensation na si Jam Sebastian na nakikipagbuno sa Stage 4 lung cancer.

Kapatid si Jam ni Yexel Sebastian, ang ex-boyfriend ni Rochelle.

Seen : Tila namamaga ang nguso ng young actress na si Ella Cruz sa ASAP kahapon dahil sa kanyang red lipstick.

Nagmamadali si Ella na maging dalaga.

Scene : Ang first day shooting ng The Janitor noong Sabado. Bida sina Dennis Trillo at Richard Gomez sa The Janitor na official entry sa 2014 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Seen : Ipinalabas uli kahapon sa Moments ng Net25 ang episode ng love story ni Wowie de Guzman at ng kanyang namatay na misis na si Sheryl Ann. Si Gladys Reyes ang host ng Moments at matalik na kaibigan nina Wowie at Sherryl Ann.

Scene : Ang Mall of Asia Arena ang venue ng coronation night ng Miss Philippines Earth sa May 11, 2014.

Show comments