Kung bibigyan ng clearance: Anne lalabas na ng hospital
SVA (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kung mabibigyan ng clearance ng mga doctor, malamang na lumabas na raw ngayong araw ng hospital si Anne Curtis ayon sa manager niyang si Ms. Veronique del Rosario-Corpus.

Mabuti na raw ang kalagayan nito at stable na ang condition.

Namantal at namanhid ang ilang bahagi ng katawan ni Anne nang madale siya ng dikya habang nati-taping ng Dyesesebel sa Batangas.

Nakakamatay daw ang box jellyfish na dumale kay Anne pero himala siyang nakaligtas.

Tiyak malaki ang epekto nito sa mga nagpa-planong mag-beach ngayong summer. Akala natin walang nakakatakot na epekto ang jellyfish, meron pala dahil iba’t ibang klase pala ang jellyfish.

Samantala, panay ang pasasalamat ni Anne sa kanyang Instagram account sa mga nagpapadala ng get well soon messages at regalo sa kanyang hospital room. Para ngang punung-puno na ng bulaklak at pagkain ang kanyang room base sa kanyang inilalagay sa kanyang social media accounts.

Aktres na separada sunod sa layaw sa bf na madatung

Wow ang mayamang negosyante at dating pulitiko diumano ang karelasyon ngayon ng isang aktres na hiwalay na sa asawa na nababalitang nagne-nega lately. Kaya raw papitik-pitik na lang si actress kahit walang masyadong trabaho. Sunod daw ito sa luho at spoiled sa bagong ‘papa.

Pareho naman daw walang sabit ang dalawa kaya walang masama. Hindi rin naman daw katandaan ang negosyante at mukhang may asim pa naman.

Ang bilin lang ng source, ‘wag nang pangalanan dahil tiyak na hindi naman aamin ang dalawa.

Asap pang-1,000 episode na, Sarah may pasabog

Ika-1,000 na episode pala ngayon ng ASAP 19.  Kaya naman hitik sa sorpresa at pasabog ang  longest-running at award-winning musical variety show ng ABS-CBN.

Matutunghayan ang special performance ng teen king na si Daniel Padila bilang patikim ng kanyang DOS concert, ang makatindig-balahibong rendition ng Let It Go ni Sarah Geronimo, isang T-Zone treat mula kay Toni Gonzaga, ang makapigil-hiningang duet nina Arnel Pineda at Rose Fostanes, at isang exciting na production number na hatid ni Vhong Navarro para sa promo ng kanyang pelikulang Da Possessed.

Mahumaling naman sa ganda ng Pinay sa isang makinang na number mula sa Binibining Pilipinas beauties na sina Ariella Arrida, Bea Rose Santiago, Johanna Mutya Datul, Cindy Miranda, kasama sina MJ Lastimosa, Mary Anne Guidotti, Yvethe Santiago, Kris Janson, Parul Shah, Hannah Sison, at Laura Lehmann.

Pangungunahan naman ng box-office royalty at teleserye princess na si Kim Chiu ang isa na namang nakakaaliw na ASAP Fans Day.

Abangan ang kwelang treats mula sa Kapamilya child wonders na sina Ashley Sarmiento, Cobbe Whitworth, at Miguel Vergara ng Dyesebel, Allyson McBride at Maliksi Morales ng Mirabella, Bugoy Cariño at Veyda Inoval ng Moon of Desire, at Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyana Angeles, at Xyriel Manabat ng Ikaw Lamang.

Huwag ding palampasin ang fun production number mula sa teen stars na sina Julia Barretto, Liza Soberano, Jane Oineza, Jerome Ponce, Khalil Ramos, Jon Lucas, at Alex Diaz.Maki-jam din si Lani Misalucha.

Meron din massive dance revolution sa Supahdance para sa ika-9 na anibersaryo ng G-Force kasama ang G-Force dancers, at ang thrilling na dance numbers nina Enrique Gil, Iya Villania, Rayver Cruz, Nikki Gil, Iza Calzado, at Cristine Reyes.

Samantala, samahan ang  ASAP sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ni Gary V. sa showbiz kasama sina ZsaZsa Padilla, Lani Misalucha, Arnel Pineda, ASAP Supahdancers Maja Salvador, Shaina Magdayao, Gab Valenciano, at ang nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Va­lenciano.

ALEX DIAZ ALYANA ANGELES ANNE CURTIS ARIELLA ARRIDA ARNEL PINEDA ASHLEY SARMIENTO BEA ROSE SANTIAGO BINIBINING PILIPINAS BUGOY CARI LANI MISALUCHA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with