Mga magulang ni Matteo gustung-gusto si Sarah
SVA (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Gustung-gusto pala ng mga magulang ni Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo. Mismong ang actor ang nagsabi sa interview sa kanya ng ABS-CBN.com nang pagreakin siya tungkol sa pagho-holding hands nila sa kanyang birthday party at nag-duet pa sila ng All of Me ni John Legends.

“My parents don’t really watch her on TV but when they saw her, they said she’s very, very beautiful and they didn’t expect her to be like that. I’m happy they all like her and they feel like she’s very, very beautiful,” sabi ng actor na lahat yata ay boto para kay Sarah.

Pero wala pa ring direktang pag-amin kay Matteo. Ang importante raw ay wala siyang problema sa pamilya ni Sarah.

Meteor Garden eere uli, major throwback

Ultimate throwback ang pagbabalik ng Asianovelang minahal ng maraming Pilipino, ang Meteor Garden, ngayong Lunes (March 31) sa ABS-CBN at Jeepney TV.

Sa unang pagkakataon, mapapanood ang Asianovelang nagsimula ng lahat sa dalawang channels kaya naman hindi lang isang beses, kung hindi dalawang beses may tsansang mapanood uli ang kinahumalingang kwento ni Shan Cai (Barbie Xu) at ng naggaguwapuhang F4 na sina Dao Ming Si (Jerry Yan), Hua Ze Lei (Vic Zhou), Mei Zuo (Vanness Wu), at Xi Men (Ken Zhu). Mas matagal din silang makakabonding tuwing hapon at gabi dahil hindi lang 30 minuto kung hindi isa’t kalahating oras din na matutunghayan ang nagbabalik-telebisyong Taiwanese series.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng mahigit sampung taon ng Asianovela sa Philippine television. Para rin ito sa Meteor Garden generation na nabaliw sa serye noong 2003 at para na rin sa bagong henerasyon ng mga manonood na tiyak mahu-hook din sa nakakakilig nitong love story.

Sariwain ang kakaibang hairstyle at fashion trends pati na ang theme songs at balikan ang Ying De University kung saan naghahari ang F4 o Flower Four.

Kilabot na grupo ang F4 at ang sinumang hindi nila magustuhan ay nakakatanggap mula sa kanila ng Red Card. Ito ang magbibigay pahintulot sa lahat ng estudyante para i-bully hanggang umalis ang estudyanteng nakatanggap ng card.

Isa sa makakatanggap nito ay ang simple ngunit palabang si Shan Cai. Hindi ninais ni Shan Cai na pumasok sa Ying De at makihalubilo sa mga anak mayamang naroon, pero dahil sa kagustuhan ng ina ay mapipilitan siyang mag-aral dito.

Magsisimula maging impiyerno ang kanyang buhay nang bigyan siya ng Red Card at apihin ng halos lahat ng makakasalubong niya. Ngunit sa kabila nito, mananatili siyang matatag hanggang sa unti-unti niyang makuha ang respeto ng F4. Magbabago ang takbo nang lahat ng mahulog ang loob sa kanya ng lider mismo ng grupo na si Dao Ming Si. Pero paano rin kaya magbabago ang samahan ng magkakaibigan kung pati si Hua Ze Lei ay mahulog rin para sa dalaga?
Mag-uumpisa ng meteor fever sa bansa ngayong Lunes sa pilot telecast ng Meteor Garden sa ABS-CBN, 3:15 p.m. pagkatapos ng Moon of Desire, at sa Jeepney TV (SkyCable Channel 9), sa ganap na 8 p.m.  

ALL OF ME ASIANOVELANG BARBIE XU DAO MING SI FLOWER FOUR HUA ZE LEI METEOR GARDEN RED CARD SHAN CAI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with