Mother Ricky kikilalanin ang Pinay chef na nagtagumpay sa Singapore

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, alas-nuwebe hanggang alas-diyes nang umaga, tutok lang sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) dahil tampok ang Pinay chef na umani ng tagumpay sa bansang Singapore. Narito na si Bettina Arguelles at siyang head chef ng Spiral Buffet sa Hotel Sofitel. Alamin kung anu-ano ang lutong binabalik-balikan sa nasabing hotel na dumaan sa mga kamay ni Chef Bettina.

Samahan uli si Mader Ricky Reyes sa pagsisiyasat kung bakit pinipilahan ang laging mainit na pandesal sa Kamuning Bakeshop na isa sa pinakamatandang panaderia sa Quezon City.  At ganun din sa tourist belt na Ermita, Manila para sa Mabuhay Restaurant, ang kinakainan ng mga dumarating sa bansa tulad ng Hapon, Intsik, Amerikano, atbp. 

Kung dahil sa rami ng kinai’y mahihirapan ka­yong dumumi, ang payo ni Mader Ricky ay ang pag-inom ng food supplement na Organique Acaiberry na bukod sa lumilinis ng mga toxic sa katawa’y nagpapaganda pa ng kutis.

Ang GRR TNT ay handog ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.

Show comments