Megan Young nagpasaya sa mga Pinoy sa HK

MANILA, Philippines - Si Miss World 2013 Megan Young, kasama si Miss World-China Wenxia Yu, ang nagpasaya sa Filipino crowd sa nakaraang Globe Kababayan Jam na ginanap sa Chater Garden sa Hong Kong. Bukod pa sa kanilang pagbisita, namigay ng premyong HK$5,000 ang ka-partner ng Globe na CSL sa apat na Pinoy workers para maipang-shopping sa kanilang pamilya sa Pilipinas at wala nang poproblemahin pa pati sa shipping costs maiabot lang ang mga pasalubong package sa mismong pinto ng padadalhan.

Ipinaalaala rin ng mga beauty queen sa mga Pinoy sa Hong Kong na may mga libreng serbisyo na makatawag at maka-text sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sa Globe-CSL Filipino Prepaid SIM. Para malaman ang advantages ng Globe-CSL Filipino Prepaid SIM at ng iba pang overseas services ng Globe, mag-log on sa www.globe.com.ph/ international.

 

Show comments