Sharon magre-recharge muna

Bago tumanggap ng bagong proyekto si Megastar Sharon Cuneta pagkatapos ng Madam Chairman ay magpapahinga muna siya at baka magbakasyon sa abroad. ‘‘Kailangang mag-recharge ng energy,’’ aniya.

Malaki ang natutunan ni Shawie bilang si Madam Chairman sa kanyang programang matatapos sa TV5.

Igan inabsuwelto ng abogado ni Vhong

Nagpaliwanag na si Atty. Alma Mallonga, abogado ni Vhong Navarro, na diumano’y binastos siya ni Arnold “Igan” Clavio sa interview sa kanyang radio show.

 â€˜â€˜That is not true. I believe you handled the interview very well and treated me with utmost courtesy. I have no cause to complain.’’

Ipinadala ang mensahe ni Atty. Mallonga kay Igan.

Masamang epekto ng social media pumatok sa indie

Isang teen gay film ang Unfriend mula sa direksiyon ni Jay Alterejos na tumatalakay sa masamang epek­to ng social media ang hinangaan sa Berlin Film Festival.

Psychological din ang movie dahil tatalakayin ang naibubunga ng depresyon at pagpapatiwakal dulot ng kahirapan at ang magulang ay nasa ibang bansa para maghanapbuhay sa mahirap na pamilya.

Palabas na ang Unfriend sa Pebrero 26 at iri-release ng Solar Entertainment.

Show comments