James panay na rin ang pagnenegosyo para madaling makaipon

Kung pinasok na ni Kris Aquino ang pagpu-produce ng pelikula, may sarili na ring negosyo ang kanyang cager  ex-husband na si James Yap. A few months ago ay itinayo nito along with his business partner friends ang Moto Tecknik na distributor ng Italian motorcycles and scooteers tulad ng Vespa.  Kamakailan lamang ay binuksan naman sa Trinoma ang kanyang grooming shop na Razor Sports. Ito’y paghahanda na rin siguro ng basketbolista sa kanyang future at future ng kanyang magiging  pamilya at siguradong kasama na rito ang anak niyang Bimby (James Yap, Jr.). Siyempre, parang showbiz din naman ang pagba-basketball, hindi pang-habang buhay.

Still on James, hindi pa rin sila in good terms up to now ng kanyang dating misis na si Kris. Pero umaasa ang basketball star na sana’y muli silang maging magkaibigan ni Kris alang-alang sa kanilang anak na si Bimby.

Samantala, dahil sa tagumpay ng My Little Bossings sa nagtapos na Metro Manila Film Festival, lalong ganado ang Queen of All Media na si Kris Aquino na ipagpatuloy ang kanyang pagiging movie producer under her own production outfit, ang Kris Aquino Productions.

Since maganda ang kinalabasan ng kanyang pakikipag-collaborate sa ibang film producers (OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment), malamang na maulit ang kanilang partnership sa taong ito.

Gumawa rin si Kris noon ng dalawang hit movies sa bakuran ng OctoArts Films na pinamumunuan ni Boss Orly Ilacad at isa rito ang controversial movie na The Elsa Castillo Story.

Although kasama sila ni Vic Sotto sa My Little Bossings, big factor sa pelikula ang presence ng dalawang bagets na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap. 

Bakit kaya hindi nila i-produce ng pelikula sina Ryzza Mae at Bimby na silang dalawa lang? Hindi na nila kailangan pang mag-hintay ng MMFF para lamang muling mapatunayan ang box office potential ng dalawang child stars.        Maganda itong gawing pang-school opening presentation.

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Show comments