Fil-German model mas gustong magka-career sa ’Pinas

MANILA, Philippines - Karamihan sa mga Filipi­na model ay mas gustong mag­trabaho sa abroad kapag may duma­ting na opportunity. Pero kabaliktaran ang inaasam ng Fil-German na si Anja Peter. Isa na siyang professional mo­del sa Germany pero mas gusto niyang tingnan ang suwerte sa Pilipinas. At may isa pa siyang gustong subukan.

“I wanna try modeling and newscasting,” sabi ng matangkad at magandang dalaga ng mag-asawang Siegfried at Florita Peter.

Isang negosyante ang ama ni Anja na si Siegfried sa Germany habang si Florita naman ay tubong Tacloban.

Hindi naman pagtataasan ng kilay ang hinahangad ng modelo dahil gra­duate siya ng communication at may masters pa sa media management  sa Germany.

Sanay na rin sa sports radio newscasting si Anja. Sa ngayon ay nagta­trabaho siya sa isang German radio station at nagmomodelo para sa Adidas, Online Catalogue/Magazine Tennis Point, isang German non-alcoholic sport drink, at iba pa.

Show comments