Elevator Girl makikipagkantahan na kina Sharon at Ogie!

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood natin ang YouTube sensation na si Cheridel Alejandrino, a.k.a Elevator Girl, sa Kapatid musical show na The Mega and the Songwriter ngayong Linggo, Setyembre 29.

Makikipagsabayan sa kantahan si Cheridel hindi lamang kay Megastar Sharon Cuneta at singer-songwriter Ogie Alcasid kundi pati na rin sa alternative rock princess na si Kitchie Nadal.

Mapapanood din natin ang musical talent ng former child star na si Isabelle de Leon at ng YouTube sensation na si Ivy Duoton.

Ang The Mega and the Songwriter ay mapapanood tuwing Linggo ng 9:00 p.m. sa Weekend Do It Better programming block ng TV5.

 

Show comments