Wala akong babaeng kinaiinsekyuran – Maja

Mula nang lumabas ‘yung love scene ni Ge­rald Anderson kasama ang baguhang si Dawn Jimenez ay hindi na hiniwalayan ng intriga si Maja Salvador. Naiisip tuloy niya na talagang may mga ayaw sa kanilang relasyon ni Gerald. Pati na ang trabaho nila ay idinadamay para lang sila pag-awaying dalawa. Tulad ng naging love scene nito sa OTJ (On the Job) na pinalalabas na kinainsekyuran niya kaya drifting apart na raw sila ng boyfriend niya. Sa halip na makapag-concentrate sa kanyang nationwide tour na Maja Unveils @ 10 na kung saan ay nagsisimula na siyang magpamalas ng kanyang iba pang talento bukod pa sa pag-arte, ang pagkanta at pagsayaw at sa halip na magampanan niya ng maayos ang kanyang  mga trabaho ay gusto pa siyang bigyan ng alalahanin sa pang-iintriga sa kanila ni Gerald.

“Hindi, walang babae na dapat akong ikainsekyur. Naiintindihan na­min pareho ang demands ng aming trabaho. Artista kami kaya hindi namin puwedeng pag-awayan ito. We’re okay. At suportado namin ang isa’t isa. Kaysa pansinin ko ‘yung mga intriga, mas gusto kong mag-focus sa pag-aaral ko na maging total performer. Medyo kabisado ko na ang pagsasayaw so voice lessons naman ang pinagbubuhusan ko ng panahon. Gusto ko magka-concert balang araw,” pag-amin niya.

Claudine kailangan ng matinding sagot sa pasabog ni Raymart

Kapag napatunayang drug dependent, user, o abused si Claudine Barretto ay mahihirapan na siyang makumbinse ang tao at ang korte sa katotohanan ng kanyang mga pinagsasasabi. Sa kanilang muling paghaharap sa korte ni Raymart Santiago ay naglabas na ito ng mga ebidensiya patunay sa kanyang sinasabing wala sa sarili ang kanyang asawa at imbento lang ang mga pahayag nito. Ito ang kailangang mapasinungalingan ng abogado ni Claudine sa susunod nilang paghaharap.

Marian galanteng producer

Tama lang ang pahayag ni Marian Rivera na sa kabila ng matagumpay nilang relasyon ni Dingdong Dantes ay ayaw niyang maging business partner ito.

“Wala na kaming mapag-uusapan kapag magkasama kami. Wala na rin kaming maililihim sa isa’t isa. Gusto ko naman ‘yung may matirang konting mystery sa aming dalawa,” pahayag ng aktres sa presson ng Kung Fu Divas. “Pagkakataon lang ang gumawa ng paraan para maganap ito na hindi ko pinagsisisihan dahil maayos silang katrabaho,” dagdag pa niya.

Kahit wala si Dingdong, AiAi delas Alas has proved a good business partner.  Generous ito sa pagbibigay kay Marian ng kanyang kaalaman sa negosyo. Wala ring masasabing hindi maganda sa kanya ang mga artista nila ni AiAi sa set dahil palaging may nakahandang pagkain. Ni minsan ay hindi nila nakitaan kahit kaunting katotohanan ‘yung nababalitang pagiging maldita nito at mahirap katrabaho.

Show comments