Show ni Joey ibabalik na naman, pang limang beses na

SEEN: Sintunado ang pagkanta ng Skycraper ni Haina Udin, ang finalist sa Talentadong Pinoy Worldwide ng TV5.

SCENE: Ibabalik ng TV5 ang show ni Joey de Leon, ang Wow Mali Pa Rin. Apat na beses na nagpahinga sa telebisyon ang Wow Mali! pero ibinabalik dahil sa kahilingan ng mga manonood.

SCENE: Magsisimula sa October ang Madam Chairman, ang kauna-unahang serye ni Sharon Cuneta sa TV5. Mauunang ipalabas sa September ang Sunday musical show nina Sharon at Ogie Alcasid, ang The Mega and the Songwriter.

SEEN: Runner-up sa 2013 Miss World Philippines si Bianca Paz, ang ex-girlfriend nina Polo Ra­vales at Andrew Wolff.

Kontesera at beterana si Bianca sa pagsali sa mga beauty contest. Panahon na upang magpahinga siya.

SCENE: Ang regal beauty ni Megan Young ang nagpanalo sa kanya sa 2013 Miss World Philippines. Sinuportahan ang kandidatura ni Megan ng kanyang boyfriend na si Mikael Daez.

SEEN: Kahit walang nakatutok na mga TV camera, may acting pa rin ang mga kilos ni Mikael Daez sa kanyang pag-cheer kay Megan Young.

SCENE: Ngayong gabi ang simultaneous red carpet premiere ng Ang Huling Henya sa Gateway Cinema (Cubao) at Glorietta Cinema (Makati). Ang Huling Henya ang comeback movie ni Rufa Mae Quinto bilang lead star.

Show comments