kuya kim at karen ng pbb teens, magpapa-lechon ngayong linggo

MANILA, Philippines - Makiki-celebrate sina Kuya Kim Atienza at Pinoy Big Brother Teen Edition housemate na si Karen Reyes sa Parada ng Lechon ngayong Linggo para magbigay ng iba’t ibang trivia sa paboritong handa ng mga Pilipino sa Matanglawin.

Tunghayan ang iba’t ibang uri ng lechon, na ang iba’y naka-costume pa, sa taunang piyesta sa Balayan at alamin kung bakit bidang bida ito sa handaan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ngunit hindi na kailangan dumayo pa sa Batangas dahil ang tinaguriang Lechon capital ng bansa ay matatagpuan mismo sa Metro Manila sa La Loma, Quezon City. Dito’y ibabahagi ni Kuya Kim kung paano gumawa ng malasa at masarap na lechon at kung paano mag-alaga ng mga baboy para masiguro ang kalidad ng mga ito.

Huwag palalampasin ang Matanglawin ngayong 9:45 a.m. sa ABS-CBN.

Show comments