Dating asawa ni Willie Revillame ikakasal na sa isang aktor!

PIK: Lalong naging maaksiyon ang Home Sweet Home, bago mag-24 Oras.

Unti-unti na kasing nabubuo ang pamilya ni Reden (Raymart Santiago), at nawalan ng kaliwang kamay si Pandora (Celia Rodriguez).

PAK: Namataan namin sa event ng Mega-Pinoy Pride sa Makati Shang-rila kamakalawa ng gabi ang magkasintahang KC Montero at Rhian Ramos. Sweet ang dalawa at si Rhian pa ang nakaakbay kay KC.

Pero ayaw ni Rhian sagutin ang napabalitang siya na nga raw ang napiling leading lady ni Dingdong Dantes sa bagong drama series nitong Genesis.

Marami raw sa mga Kapuso babes ang pinagpipilian pero personal choice daw ni Dingdong si Rhian dahil sa magandang resulta ng ginawa nilang Stairway to Heaven.

Pero sabi ni Rhian, saka na raw niya sasagutin kapag nandiyan na talaga. “Hintayin na lang natin ang announcement ng GMA 7,” napapa­ngiti niyang sagot sa amin.

BOOM: Pinag-uusapan na pala nina Victor Aliwalas at ng girlfriend niyang si Liz Almoro ang kasal.

Hindi pa niya masabi kung kailan, pero nasa plano na raw nila ito at sabi naman niya, isi-share daw niya sa amin kung kailan na siya magpu-propose.

Sa mga hindi na nakaalala, si Liz ang dating asawa ni Willie Revillame na kung saan nagkaroon sila ng isang anak.

Tuwang-tuwa si Victor na kinuwento sa aming close sa kanya ang anak nina Liz at Willie, at willing daw siyang tumayong ama sa bata. Pero mas natutuwa raw siya dahil close din daw ang bagets kay Willie. Si Willie naman daw ang kinikilala nitong ama, pero napamahal na raw siya sa bata at nakikita naman daw niyang tanggap din siya bilang isa pang ama nito.

Hindi pa niya masabi kung kailan ang kasal, pero malapit na raw ito dahil doon naman daw ito patutungo.

Show comments