^

PSN Showbiz

Love team nina Guy at Pip bubuhayin sa TV5

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ire-revive pala ng TV5 ang love team nina Nora Aunor at Tirso Cruz lll sa isang programa na isusunod sa Never Say Goodbye. Ang pamagat ng serye ay When I Fall in Love na magsisimula na agad ng produksiyon. 

Kasabay ng revival ng tandem ng da­lawa ang pag-a-activate muli ng Superstar ng kanyang NCV Productions na mag­poprodyus ng nga pelikula at palabas sa TV na kung saan ay aalalayan siya ng Kapatid Network.

Dating PBB housemate na anak ni Alvin Patrimonio bida na sa pelikula!

Natatandaan n’yo pa ba si Cristine “Tin” Patrimonio, isa sa mga natatanda­ang naging housemate ng Pinoy Big Bro­­ther? Artista na siya at bida sa unang niyang pelikula, isang indie film na tumata­lakay sa buhay ng isang bayaning babae, si Gabriela Silang.

Hindi ito ang unang pelikula tungkol sa ma­tapang na Ilokana. Nagampanan na sjya dati ni Virginia Aristorenas nung 1971 at ni Armida Siguion Reyna sa isang TV musical. Ngayon, sa pagtutulungan ng aktor na siyang direktor ng movie na pinamagatang Gabriela na si Carlo Maceda at ng writer na si Frank Rivera, inaasahang mapapanood ang pelikula sa pagdiriwang ng International Women’s Month sa Marso ng 2014.

Makakasama ni Tin sa pagganap ng dalawang major roles sa Gabriela ang magaling ding aktor na si Carlo Aquino na gaganap bilang Diego Silang.

AiAi bulilyaso na naman sa pagtatangkang maging maligaya

Nakalulungkot naman na hindi rin nagtagal ang pagsasama nina AiAi delas Alas at ng napangasa­wa niyang si Jed Salang. Hindi man aminin ito ng komedyante, ito ang tinutukoy ng mga mensahe ng kanyang anak sa Instagram at ng mga sinabi niya sa katatapos na concert ni Vice Ganda na kung saan ay isa siya sa na­ging guest nito. Tulad ng “May pinag­da­raanan ako” at “Oo, buti nga nakapunta pa ako sa concert, eh.”

Sabi ng isang mapagkakatiwalaang source DPA (deep penetration agent), ay may third party raw na involved sa hiwalayan. Bukod dito, may isa pa ring dating karelasyon ang dyowa ni AiAi na nasa interesting stage ngayon. Malinaw na senyales din na may hindi nga magandang namamagitan sa mag-asawa ngayon ang pagtanggal ni AiAi ng mga larawan ng mister niya sa kanyang Facebook at Instagram accounts.

Nalulungkot ang marami para sa komedyante dahil bulilyaso na naman ang pagtatangka niyang makahanap ng isang makakasama at mamahalin sa kanyang pagtanda. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Makikita pa rin niya si Mr. Right.

Ang lumabo lang naman ay ang pag-asang mabig­yan niya ng anak ang lalaking hinahanap niya. Pero meron na naman siyang anak at malamang si Mr. Right ay may sarili na rin. Makuntento na lang sila sa isa’t isa.

Kylie hirap lumaban sa magagaling na kontrabida

Baka naman sa dami ng namamatay sa Unforgettable ay mas dumami pa ang bilang ng mga patay kaysa sa buhay sa show. Joke lang!

In fairness, gaano man kagaling si Kylie Padilla ay talagang mahihirapan siyang labanan ang mga kontrabida sa serye na pinangungunahan ni Phillip Salvador. Ang galing na ring magkontrabida ni Pauleen Luna na ti­nu­tulungan pa nina Chariz Solomon at Carmi Martin. Mabuti na lamang at dumarami ang bilang ng mga kaluluwa na nasa likod ng character ni Kylie, plus ang tulong na ibinibigay ng gumaganap na magkapatid na sina Benjamin Alves at Rocco, Nacino hindi na nag-iisa si Mark Herras na tumutulong sa kanya.

Sa pagdating naman ng character ni Rocco na suportado ni Phillip, mukhang mahihirapan si Alves na pangatawanan ang kanyang pa­nga­ngalaga sa dalaga.

Mapapanood ang Unforgettable sa GMA 7 pagkatapos ng Eat Bulaga.

ALVIN PATRIMONIO

ARMIDA SIGUION REYNA

BENJAMIN ALVES

CARLO AQUINO

CARLO MACEDA

CARMI MARTIN

MR. RIGHT

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with