^

PSN Showbiz

Grace Lee at Isabelle Daza nilandi-landi ni Vin Diesel!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Parang nasa cloud nine si Vin Diesel na bida ng Fast & Furious 6 na dumalaw ng Pilipinas para sa promosyon ng kanyang latest film. Isang malaking tagumpay ang natapos na three-day event na first time na naging host ang Maynila para sa isang press junket na dito idinaos kasama ang ilang foreign journalists.

Sa TV junket ay walang itulak kabigin ang aktor sa ganda ng mga TV host na nag-interbyu sa kanya at iba pang cast. Nang interbyuhin siya ni Grace Lee para sa TV5 ay namangha ito habang papalapit si Grace na akala niya siguro ay parang aparisyon dahil sa sobrang puti nito. Naseksihan siya at matapos ang interbyu ay niyaya siya nito na mag-bowling o kumain sa labas.

Sumunod na nag-interbyu sa kanya si Isabelle Daza para sa Taste Buddies ng GMA News TV. Napakaseksi rin nito at super ganda pa.

Dahil food show ang hino-host, tinanong ni Isabelle kung ano ang paboritong pagkaing Pinoy ng American actor na bisita. Tinanong uli siya ng TV host kung ano naman ang gusto niyang kainin nung moment na magkausap sila.

Sagot ni Vin, ‘‘I want to eat - - - - -.” Kayo na ang humula kung ano ito. Namula siyempre ang dalaga. Pero inisip na lang nito na sobrang palabiro at pilyo ng Hollywood star.

May isang banyagang journalist naman ang nagtanong kung bakit hindi ginawa ang event sa kanilang bansa.

Diretsong sagot nito, ‘‘The Philippines is incredible. I love the people. They are so warm. My sister-in-law is Pinay.’’

Naging inspired si Vin nang dumalo sa red carpet premiere noong Wednesday sa Mall of Asia mula Music Hall hanggang Centerstage kung saan napuno ito ng napakaraming tao. Kahit ang meet and greet na dinaluhan nila ng buong cast sa Glorietta, Makati City ay dinumog din ng mga tao.

Sa lahat ng franchise ng Fast and Furious ay pinakamaganda itong sixth installment. ‘‘This is an action movie with a heart because, aside from being an action-packed movie, it deals about family,” sabi ni Vin.

Palabas na ang Fast & Furious 6 sa May 24 mula sa United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

vuukle comment

FAST AND FURIOUS

GRACE LEE

ISABELLE DAZA

MAKATI CITY

MALL OF ASIA

MUSIC HALL

SOLAR ENTERTAINMENT CORPORATION

TASTE BUDDIES

UNITED INTERNATIONAL PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with