Isa sa nanalo sa Binibining Pilipinas ibinabahay ng TV personality

PIK: Magkakaroon ng workshop para sa mga Kapuso kid si Regine Velasquez sa Sarap Diva ngayong umaga.

Kasama ni Regine sina Lenlen Frial, Miggs Cuaderno, Kyle Ocampo, at si Milkah Nacion na bibigyan niya ng Kiddie Summer Workshop sa Antipolo, Rizal.

Hindi lang sa  pagkain kundi pati sa swimming at pagkanta ay kasama rin sa ibinigay niyang workshop para sa Sarap Diva.

PAK: True ba ‘yung isa sa mga winner sa nakaraang Binibining Pilipinas ay dyowa ng kila­lang TV personality? Ikinuha pa ang beauty queen ng condo unit na ginagamit pa rin niya hanggang ngayon.

Hindi lang sure ng aming source kung sila pa rin ng kilalang TV personality.

Sabi nga nila, kung hindi man ito magka-title, tiyak na win pa rin siya kay popular TV personality.

BOOM: Iwas pa rin nang iwas si Raymart Santiago sa isyu nila ni Claudine Barretto lalo na’t nadagdagan pa ng intriga ng diumano’y away kay Gretchen Barretto.

 Puspusan ang promo ng bagong programa niyang Home Sweet Home na magsisimula na sa Lunes pero ayaw niyang magpa-interview lalo na’t tungkol sa intriga ang pag-uusapan.

Sa presscon ng Home Sweet Home, sandaling nagsalita si Raymart tungkol sa kalagayan nilang mag-asawa. Pero hindi naman niya deretsa­hang sinabing home sweet home pa rin sa kanila ni Claudine.

Sabi lang ni Raymart, “Wala namang marriage na perfect. I am not perfect. May times na nagkakaroon ng konting tampuhan. May mga hindi kayo mapagkasunduan. But we always turn to God kapag may ganyang nangyayari sa pamilya namin. I always pray that things will be better.”

Show comments