^

PSN Showbiz

Toni pinayagan nang magpakasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Limang taon na ngayong magkarelasyon sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano. Umaasa raw si Toni na ang boyfriend na ang una at huli niyang mamahalin.

“So far, sa prayers ko, ’yan ang dasal ko kasi I entered this relationship hindi para sa trial and error and testing-testing ’tapos palit-palit agad. When I entered this one, I was committed to this and I pro­mised myself in God’s grace na he’ll still be the same man I’ll say ‘yes’ to at the altar,” nakangiting bungad ni Toni.

Pero hindi totoo ang napabalita kamakailan na engaged na silang dalawa.

“Hindi. Wala nga akong ring. Hindi pa sa ngayon. Darating tayo diyan,” giit ng dalaga.

Ngayon ay ine-enjoy muna nina Toni at Direk Paul ang kanya-kanyang mga trabaho at pamilya kaya hindi sila nagmamadaling magpakasal.

“Hindi ako naiinip. Siguro siya. Ako hindi pa naman ako naiinip. Actually, siya rin parang nae-enjoy din niya ’yun. He has his own space. He has his own time sa trabaho then I have my own,” paliwanag ni Toni.

Kung sakali mang gustuhin nang magpakasal ng dalawa ay may basbas na raw ito ng mga magulang ni Toni.

“I think oo. Sa ngayon parang okay na rin naman sila.  

Noong una parang hindi pa masyado pero nga­yon parang okay-okay na kasi nakarating naman kami sa punto na okay naman. May tiwala na, twenty eight na ako,” dagdag pa niya.

Samantala, si Toni ang magho-host ng reality show na The Voice of the Philippines na malapit na ring mapanood sa Kapamilya Network.

“This program will encourage, inspire, and deve­lop singers and not humiliate them on stage. Walang masyadong negative kasi it’s a positive show,” pagtatapos ni Toni.

Kahit pa nominado ang Budoy,Gerald walang planong puntahan ang New York Festival

Nominated ang teleseryeng Budoy ni Gerald Anderson para sa drama category ng New York Festival World’s Best Television and Films competition. Gaganapin sa Las Vegas, Nevada sa Abril ang nasabing kumpetisyon. Masayang-masaya si Gerald nang mabalitaan ang tungkol dito.

“Saya nun pero sabi ko nga ’yung nomination sapat na inspirasyon na ’yon. Hindi namin ine-expect na manalo pero pinaghirapan namin. Napapansin ng ibang bansa, ibang tao,” pahayag ni Gerald.

Abala ngayon ang aktor sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kaya posibleng hindi siya makadalo sa nasabing event.

Samantala, patuloy pa ring pinag-uusapan nga­yon ang diumano’y panliligaw ng binata kay Maja Salvador. Naging kontrobersiyal ito dahil matalik na magkaibigan sina Maja at Kim Chiu na dati naman niyang kasintahan. Dahil dito ay marami ang nangba-bash kay Gerald sa mga social networking site katulad ng Twitter.

“You know, lumalaki ako na gusto ko, lalo na po ’yung mga tao sa paligid ko. I want to keep everybody happy, please everybody, pero sa mga natutunan ko sa loob ng six years sa showbiz hindi magagawa ’yan no matter how hard you try. It doesn’t matter kung sino ka, may kasalanan ka man o wala, you cannot please everybody,” makahulugang pahayag ni Gerald. Reports from JAMES C. CANTOS

                     

vuukle comment

BEST TELEVISION AND FILMS

BUDOY

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

DIREK PAUL

DIREK PAUL SORIANO

GERALD ANDERSON

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with