The Greatest Love magsisimula na sa Lunes

MANILA, Philippines - Love is really in the air ngayong Pebrero dahil ihahatid ng GMA Network ang pinakabagong Koreanovela na pinamagatang The Greatest Love na magsisimula ngayong Lunes (Pebrero 11) sa GMA Telebabad.

Ang The Greatest Love ay isang romance-comedy series tungkol sa dating sikat na singer na si Angel (Gong Hyo Jin) na miyembro ng girl band na The National Treasures Girls. Hindi magtatagal ay makikilala niya ang dalawang lalaki na magkakainteres sa kanya — ang movie star na si Colin (Cha Seung Won) at ang doktor ng oriental medicine na si Jordan (Yoon Kye Sang).

Lalo pang dapat abangan ang The Greatest Love dahil sa karakter ni Yoo In Na bilang Claire. Siya ay host ng isang sikat na TV show at nagpapanggap na nakikipag-date kay Colin kahit matagal na silang hiwalay nito.

Sino ang magiging pinakamalapit sa puso ni Angel? Ang top movie star na si Colin na labis ang paghumaling kay Angel o si Jordan ang doctor ng oriental medicine na walang interes sa entertainment industry? At magawa kayang mapigilan ni Claire ang pagkagusto ni Colin kay Angel?

Kilalanin ang mga karakter na siguradong mamahalin ng mga manonood sa The Greatest Love simula Lunes pagkatapos ng Temptation of Wife sa GMA Telebabad.

 

Show comments