Oyo at Pauleen never pang nagkita, nagsalita na rin sa pakikipagrelasyon sa ‘bata’ ng ama!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2013 - 12:00am

PIK: Sa mga mahilig sa K-Pop pagkakataon n’yo nang makita at ma-enjoy ang iba pang K Pop group na darating sa bansa.

Magkakaroon ng mala­king concert sa February 9 na gaganapin sa Aliw Theater na pinamagatang Seoul Invasion. Tampok dito ang Tahiti, Excite, A-Prince, Delight, at Mellow. Isa tong power-packed one-night- only concert na handog ng CNI Productions para sa mga kabataang talagang kinalolokohan ang mga K Pop bands.

Sa mga interesadong manood, puwede kayong tumawag sa 4702222 para makapagpareserba ng tickets.

PAK: Si Pilita Corrales daw ang unang nagbigay ng mensahe kay Lotlot de Leon na magkaayos na sila. 

Bago mag-Pasko ay nagpadala ng sulat si Pilita kay Lotlot na gusto na nitong magkaayos sila para maging kumpleto naman daw ang buong pamilya kapag nagkikita sila sa kanyang tahanan. “Gusto ko kasi mabalik ‘yung Sundays namin na nagkikita kami sa bahay. Ang hirap naman kasi na minsan ‘yung mga bata nandun kay Balot, hindi sila makapunta sa bahay. Gusto ko ‘yung kumpleto kami lahat, kahit wala na sila ni Monching. I know it’s impossible to happen, pero  malay natin ‘di ba? Baka magkabalikan din sila ni Monching,” natatawang kuwento ni Pilita.

Ngayon ay okay na okay na raw sila ni Lotlot dahil pagkatapos daw niyang ipadala ang sulat sa dating manugang, kinabukasan ay pumunta ito sa kanya at seryoso raw silang nagkausap.

Ang gaan-gaan daw ng pakiramdam ni Pilita pagkatapos nilang magkaayos ni Lotlot.

BOOM: Nilinaw sa amin ni Oyoboy Sotto na hindi siya kontra sa pakikipagrelasyon ni Vic Sotto kay Pauleen Luna. “Nakikita ko si Daddy parang pabata nang pabata, parang magkaedad na lang nga kami,” natatawang kuwento ni Oyoboy.

Hindi raw siya galit kay Pauleen dahil wala naman daw itong ginawa sa kanya. Medyo nailang lang daw siya nung una, pero alam naman daw niya na masaya ang kanyang ama sa kanyang love life, kaya nirerespeto raw nila ito.

“Gusto naman namin na magkaroon na si Daddy ng lifetime partner niya dahil siya na lang mag-isa, may kanya-kanya na kaming buhay. Kaya kung sino ang magpapasaya sa kanya, nirerespeto namin ‘yun,” pahayag pa ni Oyoboy.

Hindi pa raw sila nagkita ni Pauleen, pero kung sakaling magkasalubong man daw sila, babatiin naman daw niya ito. 

Magkakaroon nga pala ng bagong sitcom sina Vic at Oyoboy na pinamagatang Vampire ang Daddy Ko na gagawin nila sa GMA 7.

ALIW THEATER DADDY KO DAW K POP LOTLOT MAGKAKAROON OYOBOY PILITA SILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with