Gloria Romero bibigyan ng tribute

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado ay simula na ang mga bagong pagtatanghal sa paboritong GMA News TV program na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRRTNT).

Dadalhin kayo ng programa sa mga bagong gimikan o “hang out” na kinagigiliwan ng mga ka­bataan at mature na mahilig sa musika, chikahan, pormahan, at inuman. May ipakikita ring mga bagong gamit, gadget, at appliance para sa Taong 2013. 

Tatalakayin ang mga bagong moda ng damit, ayos ng buhok, make up at ehersisyong pampapabawas ng timbang. For the first time ay idedemo ang Hair Regold na bagong serbisyo sa mga Ricky Reyes Salon. 

May tribute din sa Movie Queen na si Ms. Gloria Romero na idolo ng beauty guru-host na si Mader Ricky. Si Tita Glo ang orig na modelo ng Ganda Ng Lolah Mo campaign at ayon sa kanya’y ang pag­hirang sa kanya ni Mader bilang endorser ay nagbigay ng malaki at maraming pagbabago sa kanyang karera.

 Laging tutukan ang GRRTNT alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV. Produksiyon ito ng ScriptoVision.

 

Show comments